^

PSN Opinyon

Dumami ang COVID dahil sa mga matitigas ang ulo

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

PATULOY ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 kaya napupuno na naman ang mga hospital. Sa Metro Manila, libu-libo na ang nakumpirmang may COVID at ang ilan sa mga ito ay hinihinalang bagong variant. Panawagan ng pamahalaan sa mamamayan na mag-ingat at huwag matigas ang ulo. Iwasan ang paglalamyerda upang mapigilan ang pagkalat ng COVID.

Noong Linggo itinaboy ng Pasay City Police ang mga kabataang nagja-jogging sa paligid ng Cultural Center of the Philippines. Ang paligid ng CCP ay kabilang sa naka-lockdown dahil sa pagtaas ng COVID kaya kumilos na ang mga pulis na pagbawalan muna ang nagtutungo sa lugar.

* * *

Siyam ang patay sa Anti-Criminal operation ng Region 4A kamakalawa. Nanlaban umano ang mga criminal ayon sa Philippine National Police (PNP). Ayon kay PNP chief Gen. Debold Sinas lihitimo ang operasyon ng mga pulis ng Region 4A na ang pakay ay ang magsilbi ng mga warrant of arrest. Nanlaban ang sinisilbihan kaya nag­karoon ng madugong engkuwentro.

Ayon pa kay Sinas, ikinasa ang Anti-Criminal Operation para tugisin ang mga pusakal at samsamin ang loose firearms. Sa kasalukuyan walang puknat ang patayan at karamihan ay kagagawan ng riding-in-tandem. Ngayong nagsisimula na namang pumorma ang mga pulitiko para sa 2022 eleksyon tiyak na marami pa ang malalagas na buhay kung hindi malilipol ang mga armadong kriminal.

* * *

Naglilitawan na naman na parang kabute ang mga pasugal sa Region 4A. May balita akong natanggap mula sa Cavite na nagbukasan na ang small town lottery (STL), subalit ayon sa aking spy walang kinalaman dito ang Phi­lippine Charity Sweepstakes Office.

Mula nang ipatigil ni PCSO General Manager Royina Garma ang STL sa Cavite matapos na hindi makapag-remit ng kanilang obligasyon ay hindi na ito pinayagang mag-operate. May balitang kumakalat na may basbas ito ng mga matataas na opisyales ng Cavite at PNP. Tiyak na lalo pang darami ang mahahawahan ng COVID dahil ang mga kolektor ng STL ay magbabahay-bahay.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with