^

PSN Opinyon

3 sandata ng Beijing sa pag-agaw ng dagat

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Aral sa Marxism-Leninism-Mao Zedong Thought ang mga naghaharing komunista sa Beijing. Turo ng Marxism na agawin ng Communist Party ang kapangyarihan. Turo ng Leninism na gumamit ng dahas militar bilang sandata ng diktadurya nila. At turo ng Mao Zedong Thought ang dalawa pang sandata ng komunismo: propaganda at united front.

Nasa ilalim ng Chinese Communist Party Central Mili­tary Commission ang People’s Liberation Army. Bawat lebel ng PLA ay may commissar na komunista. Ang presi­dente ng China ay secretary general din ng CCP at chairman ng Central Military Commission.

Sa ilalim ng CCP central committee at politburo ang sangay ng propaganda. Dito nanggagaling ang mga pinuno ng Ministry of Foreign Affairs, at opisyales sa impormasyon, media, at telekomunikasyon. Propaganda – ang pagpapalapad-papel ng mga komunistang lider – ang pangunahing trabaho ng mga embahada, radyo, TV, diyaryo, at social media sa China. Wala roong kalayaan sa pamamahayag. Kontrolado ang pag-iisip at pagsasalita; ang sumalungat ay pinaparusahan.

“United front work” ang pakiki-kaibigan at pag-akit ng suporta sa mga komunista. Ginagawa ito ng Beijing sa abroad. Iniimbitang pumasyal sa kanila ang matataas na pinunong sibilyan at militar ng target na bansa, halimbawa­ Pilipinas. Pinakakain, nireregaluhan, tinatratong espesyal para makuha ang loob nila. Nililigawan din ang mga dayuhang mamamahayag, propesor, negosyante, at sama­hang sibika. Ginagawa silang mga dagdag na propagandista – taga-bandila sa kani-kanilang bansa ng “galíng ng China sa pamumuno ng CCP”.

Sa pag-angkin ng West Philippine Sea ginagamit ng CCP ang tatlong sandata. Dahas militar ang pang-agaw ng bahura. Propaganda at united front ang panlinlang at pangkubli sa masasamang ginagawa.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

BEIJING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with