^

PSN Opinyon

Umagang kayganda

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Ngayong lumarga na ang pambansang pagbakuna laban sa COVID-19, inaasahang mas sisigla ang ating pagtanaw sa mga hamon na haharapin pa sa darating na mga taon.

Maraming pangungutya at negatibong komentaryo nitong mga araw at linggo bago nag-umpisang maturukan ang ating opisyal at frontliners. Hindi talaga ito maiiwasan. Batid natin na malaking bahagi ng lipunan ang hindi kumbinsido sa bakuna. Nauwi ang nerbiyos sa duda at ang duda naghanap ng butas na tatakasan.

Subalit dama natin sa napanood at nabasang mga balita ang pag-asang hatid ng bakuna. Kesyo Sinovac man ‘yan o iyong mga mas liyamadong brand, lahat ay aprubado ng FDA. Lahat ay ligtas at mabisa. Ang importante ay hindi na tayo napag-iwanan. Tapos na ang mga araw na tila wala nang patutunguhan ang ating kalbaryo.

Hindi pa rin naman nasagutan ang kabuuang problema. Kita natin na kulang pa itong mga naunang naglanding. Donasyon pa nga itong mga nauna. Iyong mga dry run na inihanda ng ating pampubliko at pribadong ospital ay dapat 24/7 na sanang tumatakbo sa ngayon. Bawat araw na nakatengga ito gayong may bakuna na sa mundo ay araw na may kababayan tayong hindi maisalba sa peligro.

Subalit ngayong naumpisahan na ang kampanya ay buwan na rin lang ang bibilangin bago tuluyang mai-salang na ang lahat. Maging itong mga patumpik-tumpik ng naunang bagsak ng bakuna ay mauuwi rin sa huli sa pagbuhos na parang malakas na ulan.

Marahil ay maghihintay pa ng ilang linggo o buwan bago mag-full swing ang vaccination. Maliit na halaga na lang itong babayaran. At kung ano mang sigla o pag-asa na napanalunan natin sa vaccination program ay sana’y maiukol natin agad sa mga naayong hakbang. Sa trabaho, sa negosyo, sa ekonomiya. Basta mabakunahan ay magbalik na sana tayo sa higit na produktibong gawain sa lalong madaling panahon. Dahil ito naman ang masisilbing bakuna ng lipunan upang makaahon sa kinasasadlakan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with