^

PSN Opinyon

33 bgys sa Maynila COVID-free

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KADALASAN ang kaligtasan ng mga residente ng barangay ay nakasalalay sa sipag at dedikasyon ng barangay chairman at opisyales nito, kaya naman sa halos isang taon na pananalasa ng COVID-19, may iilang barangay ang naideklarang COVID free. Katulad na lamang sa Maynila na sa kabuuang 896 barangays ay 33 ang na­ideklarang COVID-19 free kung kaya si Mayor Isko Moreno ay namud­mod ng limpak-limpak na salapi nang parangalan niya ang mga ito.

Mula nang ipalabas ni Isko ang kautusan o pa-contest sa barangay officials na makatala ng COVID-19 free sa loob ng apat na buwan ay bibigyan niya ng pabuyang P100,000 kaya lahat ng 896 barangays ay kumilos sa kanilang nasa­sakupan. Hindi naman nabigo si Moreno dahil sa kabila nang napakahirap na matunton ang mga carrier ng COVID-19, may 33 barangay ang nakapagtala ng Zero COVID-19. Kaya tinupad ni Isko ang pangakong pabuya at ibinigay niya ito sa isang flag raising ceremony sa Bonifacio Shrine.

Ito na siguro ang magiging inspirasyon ng bawat barangay officials na maging COVID-19 free rin ang kanilang nasasakupan. Malaking tulong ito upang mapunuan ang naghihikahos nilang budget sa araw-araw. Mula nang lumaganap ang COVID sa bansa halos lahat ay nasaid ang budget. Maging ang Duterte administration ay nasagad ang pondo kaya nangutang na ito sa World Bank para may ibili ng COVID vaccine. Ang masaklap, hanggang ngayon ay hindi pa tayo nabibiyayaan ng bakuna kung kaya ang agam-agam ng karamihang mahihirap na Pilipino ay naka­salalay na lamang sa awa.

Mahirap talaga kung ang bansa ay napapabilang sa mahirap at kilala lamang sa napakakorap na pamahalaan. Ngunit sa kanila nito patuloy pa rin ang pagsisikap ni Digong na makabili ng bakuna kahit sa China at Russia upang malunasan ang COVID na lumumpo sa ating ekonomiya. Kaya maghintay na lang tayo at paparating na raw ang bakuna, iyon nga lang pa-urong-sulong ang petsa. Di ba vaccine czar Carlito Galvez, Sir?

Samantala humanga ako kay Chairman Jhonny dela Cruz ng Bgy. 307, Raon, Quiapo, Manila. Palakpakan natin siya! Nakopo ni Dela Cruz ang Grandslam sa pa-contest ni Mayor Isko kung kaya bukod sa P100,000 noong una ay nasundan na naman ito ng tumatangingting na P200,000. Malinaw na ibinuhos ni Dela Cruz ang kanyang oras at tapang upang masigurong sumusunod ang kanyang constituents sa health potocol ng Inter-Agency Task Force at kay Isko.

Kung sabagay hindi naman maipagkaila ito dahil sa mga post ni Dela Cruz sa kanyang facebook na Juan Tamad ay kitang kita na ang pruweba ng kanyang pagpapatrulya at personal na pakikipag-usap sa kanyang mga constituent at maging sa mga namimili ng paninda. Kaya hindi imposibleng maging COVID-19 free ang ating lugar kung susundin lamang ang health protocol. Dapat ipakita ng barangay officials ang kasipagan sa paglilibot upang malaman ang mga problema lalo na ang may kaugnayan sa COVID-19.           

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with