^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Quarrying sa Rizal, inaalam ba ng DENR?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Quarrying sa Rizal, inaalam ba ng DENR?

Kahapon sinimulan ng Department of Environ­ment and Natural Resources (DENR) ang dredging sa Marikina River. Ang Task Force Build Back Better ang nagsasagawa ng dredging. Itinatag ang task force makaraan ang malawakang pagbaha sa Marikina at iba pang siyudad sa Metro Manila noong nakaraang Nobyembre 2020. Ayon kay DENR Sec. Roy Cimatu, uumpisahan ang dred­ging sa malapit sa Marcos Highway sa Bgy. Calum­pang.

Mababaw na ang Marikina River at ito ang itinuturong dahilan ng pagbaha hindi lamang sa Mari­kina kundi pati na rin sa Quezon City, Pasig, at ibang bayan sa Rizal. Taun-taon ay lagi nang may pagbaha sa Marikina. Pinakamatindi ang pagbahang naranasan noong 2009 nang manalasa ang Bagyong Ondoy. Maraming residente ang nag-ak­yatan sa bubong ng kanilang bahay. Madali nang umapaw ang Marikina River kaya apektado ang mga nakatira malapit sa ilog. Ang solusyon ay ang pagpapalalim dito para hindi umapaw ang baha.

Hindi lamang ang kababawan ng Marikina River ang dahilan nang pagbaha kundi maging ang talamak na quarrying sa Rizal. Ayon sa report maraming malalaking quarrying companies ang nag-o-operate sa Rizal at ilan dito ay pag-aari umano ng pulitiko. May quarrying sa mga bayan ng Rodriguez, Antipolo City, Baras at Tanay. Noong 2018, inireklamo na sa DENR ang quarrying companies sa Rizal dahil sa pagbaha rin sa Marikina at Taytay subalit wala umanong ginawang aksiyon ang DENR. Hiniling umano ng Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) kay Cimatu na ipatigil ang quarrying operations sa Rizal subalit walang pagkilos ang kagawaran.

Nilinis na ng DENR ang Manila Bay at ngayon ay ang pagpapalalim naman sa Marikina River ang pinagkakaabalahan. Kailan naman kaya aalamin ng DENR ang talamak na quarrying sa Rizal na dahilan ng pagbaha sa Marikina at iba pang lungsod sa Metro Manila.

Kahit mapalalim ang Marikina River at patuloy din naman ang quarrying, balewala rin ang pagsi­sikap. Babaha pa rin sa Marikina. Nararapat tutukan ng DENR ang quarrying activities sa Rizal.

vuukle comment

DENR

MARIKINA RIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with