^

PSN Opinyon

Pekeng balita

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling bahagi)

Ayon sa Court of Appeals (CA), mali ang korte. Ayon daw sa batas (Art. 19, Civil Code) ay hinihingi ng right of free speech na kumilos ayon sa tama, may katapatan­, malinis na hangarin at hustisya ang isang mamamahayag. Binigyang-diin din ng CA na hindi opisyal ng gob­yerno o kaya ay importanteng tao ang banyagang sangkot sa kaso.

Ang maling balitang inilathala laban sa kanya ay malinaw na paglabag sa kanyang karapatan sa ilalim ng Art. 19 dahil hindi man lang pinagkaabalahang siguraduhin kung tama ang ginawang balita. Hindi rin nila nilinaw mula sa Intelligence Division ng Bureau of Immigration kung totoo ito bago nila nilabas sa diyaryo sa kabila ng kaalaman na masisira ang pangalan ng foreigner.

Pareho ang naging hatol ng Supreme Court. Ayon sa SC, hindi nasasakop si Carrie ng proteksiyon na ibinibigay ng batas para sa malayang pamamahayag o freedom of speech/freedom of the press. Hindi raw ito lubos at hindi sa lahat ng oras ay magagamit na palusot para sa pagbabayad ng danyos-perwisyo o damages. Kapag (1) may paratang na ikasisira ng isang tao, (2) inilathala ito sa diyaryo,(3) nasira nito ang pangalan at reputasyon ng isang tao at (4) may malisya ay hindi sila mapoprotektahan ng ating batas.

Ayon sa SC, tanging palusot lang ni Carrie na walang malisya ang kanyang ginawa. Pero hindi rin naman niya naipakita ang malinis niyang hangarin sa kanyang ginawa maliban kung (a) ang pribadong kasulatan o sinulat ng isang tao sa kanyang kapwa ay may kinalaman sa pagtupad niya ng obligasyong legal o moral o kaya naman ay sa katungkulan niya sa pamayanan at (b) may patas at makatotohanang ulat na ginawa bunsod ng malinis na hangarin, walang bahid ng kapintasan, at may kinalaman sa isang pagdinig, hindi itinatago sa publiko at may kinalaman sa katungkulan ng isang opisyal sa gobyerno.

Ang balita ni Carrie ay hindi sakop ng privileged communication, hindi pribadong bagay at hindi maituturing na tapat o patas na pamamahayag tungkol sa isang opisyal ng gobyerno o sikat na personalidad sa bansa. Kaya nararapat lang na magbayad ng danyos at gastos sa asunto si Carrie kasama ng pahayagan sa halagang P150,000.00 (Lee et. al. vs. Thoenen, G.R. 143372, December 13, 2005).

vuukle comment

COURT OF APPEALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with