^

PSN Opinyon

Huwag sanangmagmadali

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Ang proposal na bayaan nang magbukas ng mga sinehan ay nakatatakot lalo pa’t hindi pa talaga natutuldukan ang pandemya.

Alam na natin na ang COVID ay mas madaling ku-malat sa mga kulob na lugar na ang sirkulasyon ng hangin ay paikut-ikot lang. Kahit isang tao lang sa sinehan ang may dalang virus, ang hininga niya ay sapat upang mag-circulate ang virus sa loob. Sa ganitong sitwasyon, ang pamamalagi sa loob ng sinehan ng dalawang oras ay napaka-paligroso kahit pa magpatupad ng social distan-cing at magsuot ng face mask.

Malaki na ang ibinaba ng kaso ng COVID at nakakatakot mabalewala ang ginawa nating pagsisikap para ito labanan. Kunsabagay, pati ang industriya ng pelikula ay humina dahil sa close down ng movie houses. Pero tuloy pa rin naman ang produksyon dahil naipalalabas naman ang mga pelikula sa telebisyon.

Batid natin na mahalaga ang pagbubukas ng negosyo para hindi maigupo ang ekonomiya. Pero sana, tukuyin muna ang mga negosyong maliit lang ang tsansa ng COVID para makapanghawa. Huwag madali.

Habang hindi pa naisasagawa ang mass immunization, huwag munang buksan ang mga sinehan. Kung gagawin iyan, mas mabuti siguro na unahing payagan ang face-to-face classes sa mga paaralan. Higit na mahalaga iyan kaysa sine.

The normalization of business operations must follow a process. Bakuna muna at kung kampante na tayong lahat na may resistensya na laban sa COVID- 19, doon pa lang ikonsidera ang pagbubukas ng lahat ng negosyo.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with