^

PSN Opinyon

Malas sa kasal (Last Part)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

AYON sa Supreme Court, mali ang Court of Appeals. Ang indikasyon daw ng psychological incapacity alinsunod sa Art. 36 ng Family Code ay ang bigat nito, na umpisa pa lang ay taglay na nila ang sakit at ang katunayan na wala itong lunas. Una, dapat ay grabe ang taglay na psychological incapacity at hindi basta magagamot kahit pa noong ikasal sila.

Sa tindi ng sakit na taglay, dapat na maipakita na hindi kayang gampanan ang mga obligasyon bilang asawa. Dapat din na ipakitang talagang walang kapasidad o hindi kayang tuparin ng maysakit ang tungkulin niya bilang asawa at hindi ayaw o walang pakialam o nahihirapan lang siya. Sa sobrang tindi ng sakit, hindi rin magampanan kahit ang mga ordinaryong tungkulin ng isang asawa.

Dapat din na ipakita na nag-ugat ang sakit bago pa nagpakasal ang sangkot at lumabas lang ang problema­ habang kasal na sila. Importante rin na hindi ito nagagamot at hindi kayang abutin ng mag-asawa ang problema. Sa kaso ni Ernie, ang problema ay hindi tungkol sa kondis­yon ng kanyang utak kundi ang pagtanggi niya na gawin ang kanyang obligasyon bilang isang asawa.

Base na rin sa ulat ni Dr. Thelma at sa testimonya mismo ni Ernie, umaalis at bumabalik lang siya sa kanilang bahay kung kailan niya gusto. Mas dumaragdag ito sa problema nilang mag-asawa na bandang huli nga ay napagod na ang kanyang misis  na suyuin siya.

Ang pagsasama nina Ernie at Edna ay hindi maganda. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin sapat ang mga ebidensiya para ipawalambisa ang kanilang kasal. Hindi porke hindi naging masaya ang kanilang pagsasama ay sapat na ito bilang basehan para ipawalambisa ang kasal.

Ang nasa batas at mga desisyon ay tungkol sa isang relasyon na animo walang kasal na naganap dahil ang dalawang ikinasal o ang isa sa kanila ay may matinding sakit sa pag-iisip (psychological incapacity) na umiiral bago pa man sila ikinasal, at hindi niya kayang intindihin kung ano ang mga tungkulin na dapat niyang gampanan bilang isang asawa kaya hindi uubrang sabihin na legal ang kanilang naging kasal (Dytiangquin vs. Dytiangquin, G.R. 234462, December 7, 2020).

vuukle comment

SUPREME COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with