^

PSN Opinyon

PnB ginagasgas ang PCSO

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MALAKING usapin ang pamamayagpag ng mga palaro­ ng Peryahan ng Bayan (PnB) sa mga lalawigan. Ngayong nag­sisimula na naman ang mga buwan ng mga pistahan, sigu­radong lalaganap ang mga ilegal na operasyon ng PnB at lalabag ito sa health protocol ng Inter-Agency Task Force. Malaking isyu rin kung saan napupunta ang nahahakot nitong pera sa mga mananaya. Maging ang Phi­lippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay nakakaladkad sa operasyon nito. Subalit sinagot ng PCSO General Manager ang mga katanungan sa presscon kamakailan.

Natatandaan ko, naging probationary gaming product ng PCSO ang PnB noong 2019 subalit hindi naging regular ito dahil sa pandemya. Kaya nang magbukasan ang ibang gaming products ng PCSO hindi napabilang sa kautusan ni PCSO General Manager Royina Garma na magbukas ang PnB. Ayon kay Garma, ang PnB ay naging gaming product ng PCSO noong 50’s pa subalit probationary lang hanggang na-terminate ito.

Subalit nang maupo siyang general manager ng PCSO, hindi nakakilos kaagad si Garma laban sa PnB dahil may ipinakita itong status quo ante order galing sa Court of Appeals (CA). Inutusan ng CA ang PSCO na magkaroon ng arbitration at i-discuss ang mga idle issues na iniungkat tungkol sa termination ng palaro ng PnB. Ang PnB ay kabilang pa sa gaming products ng PCSO noong 2019 kung saan sila ang pinakakulelat sa remittance sa ahensiya ng gobyerno. Subalit puwedeng patawarin muna ang PnB dahil nakasama sila sa listahan ng gaming products mga Ber months pa lang. Malinaw na may alingasngas pa ang pag-operate ng PnB at ang ginagasgas ay ang magandang layunin ng PCSO sa mga tumatangkilik ng mga palaro nito.

Sabi ni Garma, “Sa second order, we were not able to comply, so, the (PCSO) board decided not to send representative and aside from that, the president has to also include order for the resumption, so that, we cannot issue, because the court does not write to recommend for the peryahan games not be lifting its suspension. So, for now, we did not issue an order that they can resume, but they are, I think, operating on the basis that they have the court order. So, ‘yun yung medyo challenge po sa Peryahan ng Bayan.”

Kaya ang tanong, kung hindi saklaw ng PCSO ang operation ng PnB, anong ahensiyang gobyerno ang nagre-regulate sa palaro nito? Ang Court of Appeals ba? Nagbabayad din kaya ang PnB ng buwis sa gobyerno?

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with