^

PSN Opinyon

Tayaan sa lotto, magiging online na!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

May plano si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma na i-introduce na din ang online betting sa pagtaya sa kanilang gaming products tulad ng lotto. Sinabi ni Garma na kaya sila naapektuhan ng malaki ng online sabong dahil ang tayaan ay sa mobile or texting betting. Ang puna ni kosang Toteng Tanglao kaya matagumpay ang online sabong ay dahil stay at home na ang mga Pinoy at ang mga sugarol ay online na kung tumaya sa hobby nilang sugal na sabong. Di tulad sa lotto at iba pang gaming products ng PCSO na lalabas pa ang mga tao para tumaya at marami sa mga Pinoy ang takot lumabas ng bahay sa pangambang dapuan sila ng virus, ang dagdag pa ni kosang Toteng. Tumpak, di ba mga kosa? Dipugaaaaa!

Sinabi ni Garma na kino-consider na ng PCSO ang online betting subalit hinihintay pa nila ang opinyon ng Office of the Government Corporate Council (OGCC) para siguraduhin na ang mga minors ay hindi makataya sa lotto. Iginiit ni Garma na pinag-aralan pa kung paano balansehin o i-regulate ang online betting kung saan ang mga menor-de-edad o 18-years-old ay hindi papayagan na tumaya dahil humihingi pa sila ng baon o allowance sa kanilang mga magulang. Hindi rin puwedeng 24/7 ang tayaan dahil baka bumabad ang mga mananaya na may pasok sa trabaho o eskuwela kinabukasan. Dipugaaaaa! “Now we recraft the terms of reference ng new lotto equipment. Papunta na d’yan (online betting) ang direction,” ani Garma. Mismooooo!

Matatandaan na sinisi ni Garma ang online sabong na isa sa mga dahilan kung bakit bumaba ang kita ng PCSO. Aniya, dapat ang online sabong ay naka-confine lang sa siyudad o munisipyo kung saan may permit sila sa LGUs subalit kung pasukan na ito ng online betting, aba ilegal na ito. Sa ngayon kasi mga kosa, nagsulputan ang online sabong sa lahat ng sulok ng Pinas subalit ang mahigpit na magkaribal ay itong gambling lords na sina Atong Ang ng Pitmaster Cup at Bong Pineda ng Sabong Express. Hindi lang mga sabungerong Pinoy ang suki ng online sabong kundi tinatangkilik din ang mga ito sa abroad. Dipugaaaa!

Itinuturo rin ni Garma na ang may mandato para habulin ang online sabong ay ang PNP at NBI subalit tahimik sila sa isyu. Magkano....este paano? Abangan!

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with