^

PSN Opinyon

Magtiwala sa bakuna

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Philstar.com

KASADO na ang vaccination center ng bawat Local Government Units sa Metro Manila kung kaya’t wala nang dapat pang ipag-alala ang mamamayan kapag dumating ang bakuna na inaprubahan ng Department of Health. Kaya bida na naman si DOH Secretary Francisco Duque III matapos dalawin ang mga pasilidad ng LGUs, hehehe!

Ang hindi lamang kagandahan dito, bakit hindi siya ang hinirang ni Pres. Rodrigo Duterte na maging vaccine czar. Wala kayang tiwala si Digong sa kakayahan ni Duque? Malalaman ‘yan sa mga darating na araw kapag nabakunahan na ang mga Pilipino kontra COVD-19.

Malaki ang tiwala ni Digong kay COVID-19 implementor/vaccine czar Carlito Galvez. Wala itong bahid na korapsyon mula pa noong sundalo pa siya at ngayon na mataas na ang kanyang hinahawakang responsibilidad ay lalong nakikita ang kanyang katapatan.

Kaya noong nasa kainitan sa pag-usisa ang mga senador lalung-lalo na sina Senators Richard Gordon at Panfilo Lacson, nakaramdam ng pagkairita si Galvez dahil sa mga tanong na kung bakit nahuli ang Pilipinas sa pagbili ng bakuna gayong sa ibang bansa ay may nakareserba na para sa kanilang milyun-milyong kababayan.

Nakaiwas na naman dito si Duque sa paggisa ng mga senador dahil  maaga pa raw niyang naimungkahi sa Presi­dente ang pagbili ng bakuna. Kaya ang muntik nang ma­palpak na transakyon sa mga International Pharmaciotical ay naisalba ni Galvez.

Sa ngayon, hinihintay na lamang ang pagdeliber ng mga bakuna. Wala nang sinasayang na sandali si Duque at kaliwa’t kanan na ang pagbisita niya sa mga vaccine center ng LGUs. Alam na kasi na poging-pogi na naman ang dating niya sa masa. ‘Di ba mga suki?

Pakiusap ko sa inyo mga suki, pagtiwalaan ang bakunang magliligtas sa buhay. Huwag na kayong magpakimi-kiming magpaturok kapag dumating na sa ating bansa.

Kapag tumanggi kayo sa inyong schedule, ibibigay ang slots ninyo sa mga gustong magbakuna.

Sa ngayon, pinaplantsa na ang listahan ng mga matuturukan. Naaayon yan sa listahang isusumite ng inyong local government units (LGUs). Sa pagkaalam ko, ang babatayan ng listahan ay ang isusumiteng listahan mula sa barangay officials.

Baka naman ang makikinabang lamang dito ay mga botanteng malapit sa LGUs at barangay officials. ‘Yan ang tututukan ko. Maari n’yong iparating sa akin ang mga reklamo hinggil sa palakasan systems sa pagpapatala ng mga babakunahan.

Mahalaga ang bakuna upang manumbalik na ang sigla ng ekonomiya. Ang pag-ayaw sa bakuna ay maglalagay sa inyo sa panganib. Magpatala na kayo para mabakunahan.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with