^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Babala sa mga pulis na may illegal activities

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Babala sa mga pulis na may illegal activities

Maraming pulis na gumagawa nang masama sangkot sa illegal drugs, protector ng sindi­kato, nanghuhulidap, nangongotong, drug user at ang matindi, lumalabag sa karapatang pantao. Ang mga ito ang dahilan kaya mababa ang pagtingin ng mamamayan sa mga pulis. Sa halip na lapitan ay nilalayuan dahil sa masamang ginagawa. Mayroong mga tao na makita lamang ang asul na uniporme ng pulis ay masama na ang nasa­saisip. At hindi masisisi ang mamamayan kung maging masama ang impresyon sa mga pulis sa­pagkat sila mismo ang lumikha nito. Ipinakita nila sa mamamayan kung gaano sila kasama. Kahit na tinaasan na sila ng suweldo, marami pa rin ang gumagawa ng kalokohan.

Ang masamang ginagawa ng mga pulis ang bina­bantayan ngayon ni National Police Commission (Napolcom) vice chairman Vitaliano Aguirre II. Binalaan ni Aguirre ang mga pulis na gumagawa ng iregularidad na magbago na sapagkat hindi siya mangingimi na ipataw sa mga ito ang mabigat na parusa. Pagbabayarin niya ang mga pulis na gumagawa ng masama at hindi siya titigil hangga’t hindi narereporma ang buong PNP.

Si Aguirre ay dating Justice secretary ng Duterte administration mula 2016 hanggang sa magbitiw siya sa puwesto noong 2018 dahil sa mga kontro­bersiya kabilang na ang P50 million bribery scandal na kinasasangkutan ng mga dating Immigration commissioners na sina Al Argosino at Michael Robles.

Kabilang sa mga reporma na nais gawin ni Aguirre sa PNP ay ang mabalik sa Napolcom ang pagrebyu sa mga resolusyon ng regional appellate boards na nagpapawalangsala sa mga pulis na sinampahan ng kasong administratibo. Hindi na umano nakakarating sa Napolcom ang desisyon ng appellate boards dahil sa isang resolusyon na ginawa ng nakalipas na administrasyon.

Maganda ang hinahangad ni Aguirre sa PNP. Kapag naisagawa na niya ang reporma, maaaring mabalik na ang tiwala ng taumbayan sa pambansang pulisya. Sikapin ni Aguirre na lahat ng mga pulis na sangkot sa krimen at droga ay hindi na maka­kabalik sa serbisyo. Kapag naisagawa ni Aguirre ang reporma sa PNP, marami ang pupuri at haha­nga sa kanyang kakayahan. Umpisahan na ang pagreporma sa PNP.

vuukle comment

ILLEGAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with