^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Malulunod sa dagat ng plastik

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Malulunod sa dagat ng plastik

BUMAHA agad sa Ramon Magsaysay Blvd., Sta. Mesa noong Miyerkules sa sandaling pag-ulan. Hanggang tuhod ang baha na naging dahilan ng trapik. Walang bagyo o anumang sama ng panahon pero ang kaunting pag-ulan ay nagdulot agad ng pagbaha.

Ang dahilan nang pagbaha: mga plastic na naka­bara sa drainage. Hindi makaagos ang tubig dahil sa sandamukal na basurang plastic. Mga supot na plastic na pinaglagyan ng buko juice at iba pang inilalakong palamig sa kalye. May mga plastic na pinaglagyan ng isda at karneng binili sa palengke o talipapa. Mayroon ding mga sachet ng 3-in-1 coffee, catsup, hot sauce, toothpaste, shampoo at hair conditioner.

Noon pa, ito na ang problema – plastic na basura­. At magpahanggang ngayon, ito pa rin ang problema. Noong 2018, nagbanta si President Duterte na ipagbabawal ang paggamit ng plastic. Pero nawala ang banta. Tuloy ang paggamit ng plastic. Tuloy ang pagdami at pagbara sa mga drainages. Tuloy ang pagbaha.

Nagbabala ang coalition ng environmental groups na kung hindi gagawa ng paraan ang pamahalaan para mabawasan ang paggamit ng single use plastic, aapaw ang may 59.7 bilyong sachets sa Metro Manila. Malulunod ang mga residente sa sachets at iba pang basurang plastic na hindi natutunaw. Kailangan na umano ang isang matinding batas para rito at nang maisalba ang kapaligiran.

Hindi lamang pagbaha ang dulot ng mga basu­rang plastic kundi banta rin sa buhay ng mga lamandagat. Dahil sa maling pagtatapon ng basurang plastic, humahantong sa dagat ang mga ito at naka­kain ng mga isda kabilang ang balyena. Marami nang bal­yena na sumadsad sa dalampasigan at namatay. Nang suriin kung ano ang ikinamatay ng mga ito, napag-alaman na dahil sa mga nakaing plastic na basura.

Ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nangangamba sa pagdami ng basurang plastic na sumisira sa kapaligiran. Kahapon, inilunsad ni AFP chief of Staff General Gilbert Gapay ang zero plastic campaign sa Camp Aguinaldo. Ipinagbawal ni Gapay ang paggamit ng plastic sa lahat na kampo ng military sa buong bansa. Naalarma na umano ang AFP sa plastic wastes.

Magkaisa ang lahat para ipagbawal ang produk­siyon at paggamit ng plastic. Hindi maliit ang problemang ito. Gumawa ng hakbang bago malunod sa dagat ng plastic.

vuukle comment

BAHA

TRAFFIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with