^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kasuhan mga lumabag sa health protocols

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kasuhan mga lumabag sa health protocols

Marami nang mga malalaking tao ang lumabag sa health protocols kaugnay sa COVID-19 at hindi sila naparusahan. Balewala ang pinatutupad na batas sa mga malalaki o maiimpluwensiya. Tanging ang mga maliliit o mahihirap na lumalabag sa health protocol ang napaparusahan at ang iba pa ay nakukulong. Gaya ng isang fish vendor na walang awang binugbog at kinaladkad pa ng mga awtoridad noong Abril 2020 dahil walang face mask. Kinasuhan naman ang mga mararahas na bumugbog sa vendor.

Kung magkakatotoo naman ang sinabi ng Baguio City Mayor na ang batas ay batas at walang sinisino at kahit ang misis niya ay kakasuhan dahil sa paglabag sa health protocol, unang pagkakataon ito na may mapaparusahan. Dito makikita na kahit maimpluwensiya ay puwedeng maparusahan dahil sa hindi pagsusuot ng face mask.

Dumalo sina Mayor Magalong at asawang si Arlene sa birthday party ng celebrity na si Tim Yap sa The Mansion sa Camp John Hay noong Martes. Dumalo rin sa party ang aktres na si KC Concepcion. Nagpakuha pa ng picture sina Mayor at Mrs. Magalong kasama si KC. Subalit tanging si Mayor Magalong ang may face mask. Si Mrs. Magalong at KC ay walang face mask na isang paglabag sa health protocol.

Maraming netizens ang bumatikos sa hindi pagsusuot ng face mask ng asawa ni Mayor Magalong. Nararapat umanong sumunod ito sa batas lalo pa’t ang asawa nito ay tinaguriang COVID-19 contact tracing czar.

Ayon sa mayor, na-starstruck daw ang kanyang misis kay KC at habang kumakain daw sila may humiling na magpakuha ng picture at nalimutang mag-face mask. Ayon pa sa mayor, wala namang per­pektong tao at wala namang may intensiyong labagin ang batas. Tungkol sa grupo ni Tim Yap, sinabi ng mayor na sumunod naman ang mga ito sa panun­tunan ng lungsod.

Ang “batas ay batas at walang sinisino”. Kung magkakatotoo ang sinabi ni Mayor Magalong na kakasuhan ang kanyang maybahay dahil sa paglabag sa health protocol, isang malaking balita ito lalo pa’t marami na ngang malalaking tao na hindi naparu­sahan. Halimbawa rito ay si PNP chief Gen. Debold Sinas na hinarana (mañanita) sa kaarawan nito noong Mayo 2020. Nakunan ng picture na walang face mask si Sinas na noo’y NCRPO chief.

Kung mangyayari ang sinabi ni Magalong, marami ang hahanga sa kanya.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with