^

PSN Opinyon

Wala na namang basehan?

K KA LANG - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Walang nangyari sa kanyang akusasyon sa ilang artista na sangkot umano sa mga aktibidad ng mga komunista kahit walang ebidensiya kundi ang pagsuporta sa kara­patan ng kababaihan. Matinding binatikos si Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., ang executive director ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac) dahil sa kanyang mga akusasyon.

Ngayon naman, dahil mainit ang isyu ng pagkansela ng DND sa kanilang kasunduan sa UP hinggil sa pagpasok ng militar at pulis sa kanilang mga campus nang walang pahintulot, eto na naman si Parlade at ang kanyang walang besehang mga akusasyon.

Nagpahayag si Parlade na 18 unibersidad, kabilang ang Ateneo de Manila, De la Salle, UST at FEU, ang nagsi­silbing recruitment centers para sa Communist Party of the Philippines (CPP) at ng New People’s Army (NPA). Pati pala Atenista at Lasallista nagiging komunista na rin? Baka may komunista sa mga kapatid at pamangkin ko? Mapapailing na lang talaga sa hilig ng AFP na magtututuro na lang ngayon nang walang basehan.

At ayun, nagpahayag ang AFP na nagkamali sila sa kanilang inilabas na listahan ng ilang alumni at estudyante ng UP na mga miyembro raw ng NPA na nahuli na o napatay. Ang problema maraming umalma mula sa listahang iyon, kaya hindi pala sila nahuli o napatay. Iimbestigahan daw nila kung paano lumabas ang listahan, at mas mahalaga, kung sino ang naglabas at bakit nasama ang mga pangalang iyon. Ano na ang nangyayari sa Intel­ligence division ng AFP? Lahat ng pondo napunta na sa Palasyo?

Hindi biro ang malagay sa anumang listahan ng admi­nistrasyong ito, kabilang na ng AFP at napupulitiko na. Maging listahan ng mga sangkot umano sa ilegal na droga o mabansagang komunista o “red-tagging” dahil wala na ngang proseso para patunayan na muna ang mga paratang. Kadalasan ay hinahatulan kaagad ng kamatayan.

Ang proseso ay para na lang sa mga katulad ni Gen. Sinas, Sen. Koko Pimentel, Master Sergeant Daniel Florendo Jr. at ni Police Staff Sergeant Jonel Nuezca kahit malinaw at naka-video pa ang ebidensiya ng kani-kanilang paglabag sa batas. Paano pala kung may kumilos kaagad na mga sundalo laban sa mga nakalagay sa maling listahan na iyan? Sori na lang?

At saan kaya nag-aral ang lahat ng miyembro ng NPA? Marami na rin ang nanumbalik sa gobyerno o nahuli mula sa NPA. Bakit hindi sila gumawa ng pagsusuri kung saan nag-aral ang mga iyan bago sumali sa NPA imbis na magbanggit ng mga paaralan nang walang batayan?

vuukle comment

DND

UP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with