^

PSN Opinyon

Police access, yes, military, no-no

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Naging kontrobersyal ang pagpapawalang-bisa sa ka­sun­duan ng pamahalaan at University of the Philippines na ang nasabing unibersidad ay hindi puwedeng pasukin ng mga sundalo at pulis kung walang abiso sa pangasiwaan ng UP. Tatlong dekada mahigit umiral ang kasunduan mula pa noong panahon ni Presidente Cory Aquino. Ito’y para umano mapangalagaan ang kalayaan sa pama­mahayag sa naturang state university.

Ngunit dahil sa mga balita na ang UP ay ginagawang recruitment point ng mga komunista, Ipinasya ni DND Secretary Delfin Lorenzana na ipawalang bisa ang kasunduan­. Kahawig ito ng kasunduan ng gobyerno at National Press Club of the Philippines na ang sinumang mamamahayag na may warrant of arrest sa kasong libel ay hindi maaaring arestuhin kung wala munang abiso sa naturang organi­sasyon.

Sa ganang akin, ang lahat ng mga institusyon gaya ng mga paaralan at iba pang pampublikong lugar ay dapat buksan sa mga alagad ng batas na rumeresponde sa krimen. Ngunit dapat pulis lang na may bitbit na search o arrest warrant, at hindi mga sundalo dahil ang pulis ang siyang tagapagpatupad ng batas at hindi ang militar.

Hindi lang isyu ng insureksyon at rebelyon ang pinag-uusapan natin kundi lahat ng uri ng kriminalidad. Paano kung may nagaganap o naganap na ordinaryong krimen tulad ng murder o rape sa loob ng premises ng unibersidad, hindi ba papayagang pumasok ang mga pulis lalo pa’t kung nasa loob pa rin ang kriminal? Magiging obstruction of the law iyan.

Ang masama ay kung “gestapo style” ang pagpasok ng mga alagad ng batas at kung sino-sino lang ang pagdadadamputin. Ngunit kung ang proseso ay alinsunod sa batas at may karampatang warrant of arrest sa sino mang personalidad na inisyu ng lehitimong Korte, hindi dapat pigilan ang pagpasok ng mga tagapagpatupad ng batas.

Ngunit walang “k” ang mga elemento ng militar na sumama sa pagpasok sa pamantasan maliban na lang siguro kung may mataas na opisyal ng communist China, Russia o iba pang bansang may masamang intensyon.

Ang tungkulin lang ng mga sundalo ay rumesponde sa foreign  invasions pero hindi sa mga common crimes na madalas mangyari sa ating bansa at walang kinalaman sa National Security.

vuukle comment

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with