^

PSN Opinyon

Solusyon para makaiwas sa stress

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang payo ko ay base sa payo ng mga psychologists kaya epektibo ito.

Ang modernong buhay ay maaaring biyaya dahil sa mga makabagong teknolohiya. Ngunit may kapalit din na stress na sadyang mahirap i-manage nang maayos.

Ang American Psychological Association ay nagbigay ng mga karaniwang pinanggagalingan ng stress:

• Pag-aalala dahil sa kapos sa pera.

• Stress sa trabaho at pamilya.

• Nag-alala sa ekonomiya.

• Problema sa kalusugan.

Maiiwasan mo ang stress kung susundin ang mga sumusunod:

• Mamuhay nang simple at masaya.

• Mag-focus sa malusog na pangangatawan at pamumuhay.

• Mamuhay ng may moralidad.

• Matutong makuntento at magpasalamat sa mga bagay­ na mayroon ka.

Mga dagdag na payo para mabawasan ang stress:

• Kung gagamit ng gadgets at computers ay mas ma­inam kung hinay-hinay lang. Maaaring ito ay nakatutulong ngunit ang sobrang paggamit ay nakapagdudulot din ng stress.

• Gumastos lang ng naaayon sa iyong pangangaila­ngan. Mas makabubuti na gumastos lamang ng tama. Kung hindi naman kailangan huwag na lamang bilhin. Sa ganitong paraan, makakaipon pa.

• Hanapin ang oportunidad. Mamuhay lamang ng simple at makabuluhan kesa mamuhay sa karangyaan.

• Maglibang kahit paminsan-minsan. Para mas ma-enjoy ang paglilibang, hindi kinakailangan gumastos ng mahal. Maaari rin naman gawin ang paglilibang kahit sa simpleng pamamasyal lamang sa tabi-tabi.

• Pasalamatan at maging masaya sa mga bagay na mayroon ka.

llamin ang mga bagay na nakapagpapasaya sa iyo at iwasan ang mga bagay na nakagagalit sa iyo. Good luck.

vuukle comment

STRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with