^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Isailalim sa regular drug tests ang mga pulis

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Isailalim sa regular drug tests ang mga pulis

MASAKIT tanggapin pero may mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) na lulong sa pinagbabawal na droga. Patunay dito ang pagka­kaaresto sa mga pulis na naaktuhang gumagamit ng shabu.

Dalawang taon na ang nakararaan, isang police­woman sa Taguig ang nahuling bumabatak ng shabu. Nagkaroon ng raid ang mga pulis sa lugar at naaktuhan ang policewoman kasama ang iba pa na nagsa-shabu. Saka lamang nalaman ng mga sumalakay na pulis pala ang kanilang naaktuhang nagsa-shabu. Sinibak sa puwesto ang policewoman.

Karamihan sa mga naaaresto ay mga baguhang pulis. Ang ganitong problema ay hindi dapat ipagwalambahala sapagkat ang mamamayan ang nasa panganib. Mahirap kung ang isang alagad ng batas ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Kapag nasa impluwensiya ng droga ang pulis, wala na siyang kontrol sa sarili at maaaring makagawa nang karumal-dumal na aksiyon. Apektado na ang kanilang pag-iisip.

Ang nangyaring pagpatay ng pulis sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac noong Disyembre 20, 2020 ay nararapat na tingnang mabuti kung nasa impluwensiya ng droga ang alagad ng batas kung bakit nagawa ang krimen.

Para malaman kung gumagamit ng droga ang mga pulis, makabubuti kung magkakaroon ng regular na drug tests sa mga ito. Sorpresang drug tests para hindi makaiwas ang mga ito. Sa ganitong paraan, tiyak­ na mahuhuli sila at mapapatawan ng kaukulang parusa na maaaring pagkasibak sa puwesto.

Noong nakaraang linggo, ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas na ang lahat ng mga pulis na magpopositibo sa paggamit ng droga ay sisibakin sa puwesto. Ang kautusan ng PNP chief ay kasunod ng pagkakahuli sa isang pulis sa Police Regional Office 13 na nagsa-shabu.

Maraming pulis na lulong sa droga at tama lang ang kautusan na sibakin ang mga ito. Hindi kaila­ngan sa PNP ang mga drug addict. Paigtingin din ni Sinas ang paglambat sa mga pulis na protector ng mga tulak ng droga at mga nagre-recycle.

Para mabilis na matukoy ang mga pulis na guma­gamit ng droga, magkaroon ng regular drug tests sa mga ito. Ito ang dapat gawin para masigurong walang  pulis na nagda-drugs. Gawin ito sa lalong madaling panahon.

vuukle comment

DRUG TEST

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with