^

PSN Opinyon

Turning negative into positive

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

AYON sa pagtaya ng Moody’s Analytics, ang Pilipinas ang kahuli-hulihang bansa sa Asia-Pacific na ang eko­no­miya ay makababangon matapos ang COVID pandemic. Hinuhulaan ng Moody’s na makakahulagpos lang ang ating bansa sa krisis na dulot ng pandemya sa ika­lawang quarter ng 2021.

Masaklap na balita iyan. Pero tila may paraan ang Mala­cañang para ang negatibong ulat ay maging posi­tibo kahit man lang sa isip ng mga mamamayang lubhang bilanggo ng matinding takot dulot ng pandemic lalo pa’t may balita na naghihigpit ang pamahalaan sa mga pumapasok na banyaga dahil sa sumulpot na mas matinding strain ng corona virus.

Ang “consoling words” ng Palasyo mula sa labi ni Pre­­sidential Spokesman Harry Roque ay, “the worst is over” sa pakikipaglaban ng Pinas sa COVID. Magandang ba­lita­ ito na makapagpapalubag sa tensyonadong damdamin ng mga tao, kung totoo.

Dagdag niya, patutunayan ng pamahalaan na maling­- mali ang hula ng Moody’s. Sige, tanggapin natin ang pani­niyak na ito ni Roque para naman maibsan ang dam­damin nating saklot ng pangamba.

Sa totoo lang, ang mga pahayag ni Roque ay pampalubag loob sa bayang nangangamba dahil talagang walang katiyakan kung kailan matutuldukan ang pandemyang ito. Ngunit totoo na dapat nang maging bahagi ng ating buhay ang pag-iingat, at naniniwala ako na naka­­sanayan na nating gawin ang lahat ng precautionary mea­sure para iwasan ang sakit na ito.

Kaya nga raw, sinisikap ng pamahalaan na buksan ang daloy ng kalakalan kasabay ng panawagan sa taum­bayan na laging mag-iingat sa pamamagitan ng slogan na “ingatan ang buhay para makapaghanapbuhay.”

vuukle comment

COVID-19

PANDEMIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with