^

PSN Opinyon

Ayuda sa bagong taon

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Sa lahat na patuloy na tumataguyod sa ating kolumn, ang dasal ko ay maging ligtas tayo sa ano mang kapaha­makan ngayong bagong taon. Nawa’y maging mas ma­gaan ang ating pasanin sa 2021. Kung hindi man sa aktu­wal na proteksyong hatid ng bakuna ay kahit man lang sa benepisyong resulta sa mas higit na kumpiyansa ng lipunan sa muling pag-andar ng ekonomiya.

Bago matapos ang 2020 ay may pahabol na paalala ang pamahalaan na pabigat itong 2021. Ito ay ang naka­takdang pagtaas ng kontribusyon ng mga miyembro sa PhilHealth. Mula sa premium rate na 3% nitong 2020 ay tataas ito sa 3.5% ngayong taon.

Hindi naman ito biglaang kursunada. Talagang naka­takda sa batas, sa RA 11223 o ang “Universal Healthcare Law”, nang masigurong matanggap ang benepisyo ng se­gu­ridad at healthcare ng mahigit 110 million na miyembro.

Kaya nga lang ay talang hindi tugma sa tiyempo ang pagtaas ng kontribusyon ngayong panahon ng pandemya­. Kahit mismong ang programa ng pamahalaan sa pagres­ponde sa COVID-19 ang makikinabang, malinaw na bugbog na masyado ang taong bayan.

May isa pang matimbang na dahilan. Ayon kay Senator­ Grace Poe, ni hindi pa nga napananagutan ng PhilHealth ang sandamukal na kontrobersiyang kinasasangkutan nila sa paghawak ng salapi ay heto’t ipapaubaya na naman­ natin ang tone-toneladang pondo?

Kung kaya napapanahon ang panukala na pansa­mantalang suspendihin ang pagtaas nitong 2021. Sina Senador Marcos, Poe, Hontiveros at Go at ang kanilang mga kasamahan sa Mataas na Kapulungan at, sa House si Cong. Stella Quimbo, ay agarang nag-file ng kaukulang batas ukol dito. Kailangan ding mahanapan ng pamahalaan ng tulong pinansyal ang PhilHealth kung i-obliga itong huwag mangulekta ng mas mataas na rate.

Mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay nauna nang pinatigil ang koleksyon, kahit wala pang batas. Malinaw dito na nagkakaisa ang Ehekutibo at Lehislatibo sa kanilang panawagan. Malaking tulong sa taong bayan ang makatao na ayudang ito mula sa ating mga opisyal.

vuukle comment

AYUDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with