^

PSN Opinyon

Agawan sa bakuna atbp. hulâ sa 2021

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Nagkakatotoo ang hulâ ng Economist magazine nu’n pang Nobyembre. Dati nag-uunahan ang mga bansa sa pagtuklas ng bakuna sa COVID-19. Ngayon nag-aagawan sa supply. Namamayani ang pulitika. Binibigyan ng US, Britain, China at Russia ang mga kakamping bansa. Inuuna ng mga populistang lider ang botante nila imbes na frontline workers.

Kakambal niyan ang forecast ni philosopher Fareed Zakaria sa Lowy Lectures nu’ng Nobyembre rin. Titindi raw ang paghati ng mundo sa hanay ng US at China. Pipili ang mga bansa kung nais ang kalakalan at proteksiyong militar ng isa sa kanila. Hindi papayag ang dalawang selosong superpowers na salawahan ang bansa. Kung sa US ka hahanay, huwag kang bibili ng Huawei; kung sa China, wala dapat made-in-US.

Lalala ang hidwaan ng US at China, prediksiyon nang marami. Walang pagkabusog ang lumalaking populasyon ng China. Patuloy na mamamasok sa karagatan ng maliliit na bansa para sa pagkain, langis, gas, bagong gamot, at rare metals. Lalamon naman ang US ng talino ng ibang bansa sa teknolohiya. Kakawawain ng China ang Pilipinas; kukunin ng US ang mga espesyalista natin sa medisina at agham.

Mananatiling matumal ang turismo, nakikini-kinita ng mga ekonomistang Pilipino. Dadagsain lang ang mga malilinis at murang resorts, otel, at pasyalan. Lalangawin ang mga salaula ang pasilidad at walang imahinasyon sa paghikayat ng mga gigil na gigil magbiyahe.

Idagdag ko ang pagtanaw ko sa 2021. Poporma ang mga pulitiko bago pa man ang filing of candidacies sa Oktubre para sa Halalan 2022. Karamihan sa kanila ay manggagaling sa political dynasties. Sila-sila pa rin (ang magbabalak kumandidato. Malaki ang ambisyon nila at yaman na nais palaguin sa posisyon. Hindi pa rin ipatutupad ng Comelec ang pagbawal ng Konstitusyon sa dynasties. Aatupagin ang voting machines.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

ECONOMIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with