^

PSN Opinyon

Hindi na gets

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

Mag-iimbestiga ang Food and Drug Administration, Bureau of Customs at National Bureau of Investigation kung paano nakapuslit ang COVID-19 vaccine ng Sinopharm ng China at naturukan ang ilang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na inamin naman ng hepe nitong si Brig. Gen. Jess Durante.

Saklaw ng imbestigasyon ang maraming bagay gaya ng kung paano nakapasok sa bansa ang mga nasabing unauthorized na bakuna, sino ang may dala nito, ang pananagutan ng mga nagdala into, at maging ang posibleng pagtanggal ng lisensiya sa kung sino mang doktor o medical professional ang nagturok sa doses ng Sinopharm vacine sa mga PSG personnel.

Andun na ‘yung blame game, ‘yong turuan kung paano nakapasok sa bansa ang bakuna, kesyo si ganun, si ganyan ang may pakana. Daming kuwentong naririnig ukol sa bakuna. Pati nga ang defense department at maging ang Armed Force of the Philippines ay mag-iimbestiga rin.

Giit nga ng FDA na hindi naisyuhan ng Emergency Use Authorization (EUA) ang Sinopharm kahit na nga ito ay aprubado na sa China bilang bakuna.

Di nga lang nakuha ang ibig sabihin ni President Duterte noong minsang siya mismo ang nagsabing may mga naturukan na ng bakuna sa hanay ng militar.

Ang Presidente na mismo ang nagtatanong, ano ba ginagawa n’yo riyan sa FDA at maging sa ibang ahensiya at grupong inatasang maghanap ng bakuna para sa sambayanang Pilipino.

Kulang na lang sabihin ng Presidente – ang bagal n’yo!

Hayun, mabilis pa sa kidlat na naglipana ang imbes­tigasyon ng iba’t ibang ahensya ngunit di nasasagot ang tanong ng madlang Pilipino – ano na, nasaan na at ano na ang nangyari sa bakuna na pinangako gayong ang ibang bansa ay nag-roll-out na sa kanilang vaccination program.

Sana naman masabayan ang mga  imbestigasyon kung paano nakapasok ang Sinopharm ng assurance at magbibigay pag-asa sa may 108 million na Pilipino laban sa COVID-19.

Ngayong may bagong COVID-19 variant na umiikot sa iba’t ibang bansa, mas lalong kinakailanganin ang bakuna sa lalong madaling panahon.

Totoong mahalaga ang imbestigasyon ngunit mas mahalaga rin na may bakuna na at hindi ‘yung nakanganga lang tayo. Hihintayin pa ba nating dumami ang bilang ng namamatay saka lang aaksyunan ang problema?

vuukle comment

PSG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with