^

PSN Opinyon

FDA pasok sa ‘panic-demic’

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Pati ang Food and Drug Administration (FDA) ay pumalag na sa pagpapabakuna ng ilang miyembro ng gabinete ni President Duterte pati ng Presidential Security Group (PSG) kahit wala pang opisyal na inaaprobahang vaccine ang FDA.

Sisiyasatin ng ahensya ang naturang pangyayari na tinawag kong “panic-demic” na tila udyok ng pagkatakot sa kumakalat na “more virulent strain” ng COVID virus. Hirit naman ni Presidential Spokesman Harry Roque, libreng donasyon ang naturang bakunang Sinopharm at walang ginastos ni isang kusing ang gobyerno sa gina­wang pagbabakuna.

Pero hindi Iyan ang isyu. Libre man o may bayad, mali pa rin ito dahil lumilitaw na ang unang isinasalba ng mga opisyal ay ang kanilang sarili imbes na ang taumbayan.

Pinakilos agad ni FDA Administrator Eric Domingo ang kanilang Regulatory Unit upang alamin ang puno’t dulo ng insidenteng ito at kung saan nagmula ang ginamit na bakuna. Of course, alam na ng lahat ay gawa sa China ang naturang bakuna. Pero ang kuwestyon, “Sino” ang nagdonasyon nito?

Ngayon kasi, wala pang inaaprobahang vaccine ang FDA. Nilabag ng mga opisyal na nagpabakuna ang protocol na dapat dumaan sa pagsusuri at approval ng FDA ang lahat ng mga gamot at bakuna bago pahintulutang gamitin nino man. Aba eh, bakit kailangan pa ng isang FDA kung hindi rin lang susundin ito?

Lalo pang “dispalinghado” ang pangyayari dahil ang mga nagpabakuna ay matataas na opisyal ng gobyerno. Hindi ba dapat na ang mga opisyal mismo ng pamahalaan ang unang sumusunod sa itinatakdang alituntunin?

Napakalaswang tingnan na ang mga opisyal mismo ng gobyerno ang nauuna pang nagangatog at agad gumagawa ng hakbang sa sariling kapakanan. Kaso, ang pangyayaring ito ay kinumpirma mismo ng Pangulo ng bansa at ng hepe ng PSG. Hay naku! Happy New Year po sa lahat!

vuukle comment

FDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with