^

PSN Opinyon

Sugal at droga, talamak sa San Mateo, Rizal

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

SINASAMANTALA ng mga sugapa sa sugal ang pagka­abala ng PNP ngayon. Sandamakmak na sumbong ang pinarating sa akin tungkol sa mga sugal sa San Mateo, Rizal. Nangunguna riyan ang tupada sa Upper Silangan. Sumbong sa akin, walang patid ang sabong kaya hindi makatulog ang mga residente sa ingay. Bukod sa pustahan ng pera, maging ang shabu ay ipinupusta na rin. Hinala ng nagsumbong sa akin, may mga pulis na sumasawsaw sa mga ilegal na sugal at pagtutulak ng droga.

PNP chief Gen. Debold Sinas Sir, pakialpasan ang mga bataan mong pulis sa Camp Crame para haribasin ang sumbong ng mga taga-Upper Silangan, San Mateo, Rizal dahil sa tingin ko nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan ang mga pulis diyan. Malinaw na may kinalaman nga sila sa talamak na sabong at pagtutulak ng droga. Bago umano magkaroon ng sabong ay may umalingawngaw na putok ng baril bilang hudyat sa mga sabungero.

Kilos na General Sinas. Baka sa pagkuya-kuyakoy mo sa Crame ay lumaganap ang COVID cases sa San Mateo at tumaas ang krimen dahil sa pagkalulong ng mga sugarol at adik.

* * *

Inaasahang aabot na sa P127 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa lotto draw na isasagawa nga­yong gabi. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma, walang nakakuha ng mga numerong 21-57-33-32-39-49 sa draw noong Linggo ng gabi. Dahil dito, wala ring nakapag-uwi ng jackpot prize na P122,730,138.40 kaya’t inaasahang tataas pa ang naturang premyo sa susunod na lotto draw.

May isang bettor naman ang muntik nang manalo ng jackpot prize matapos na mahulaan ng tama ang lima sa anim na winning combination, at nakapag-uwi ng second prize na P120,000. Ang Ultra Lotto 6/58 ay binubola tuwing Martes, Biyernes at Sabado.

Kaugnay nito, hinikayat naman ni Garma ang mga mamamayan na tangkilikin ang PCSO games, partikular na ang lotto, dahil sa halagang P20 lamang ay maaari nang maging instant milyonaryo at nakatulong pa kayo sa mga kababayan nating nangangailangan. Malaki ang maitutulong ng inyong taya dahil ang debidendo nito ay mapupunta rin sa mga programa ng pamahalaa.

vuukle comment

DRUGS

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with