^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Regular na neuro exams sa mga pulis, nararapat

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Regular na neuro exams sa mga pulis, nararapat

Nararapat na isailalim sa regular na neuro-psychiatric examinations ang mga pulis para matiyak ang katatagan at katinuan ng kanyang utak. Kapag nawala na ang katinuan ng isang pulis, dito na magkakaroon nang malaking problema. Damay-damay na. Hindi lamang ang pamilya ng pulis ang apektado kundi pati na ang buong komunidad. Kapag hindi na matatag ang pag-iisip ng isang pulis, nasa panganib ang mamamayan.

Ganito ang nangyari kay Master Sgt. Jonel Nuezca na nagmistulang “sira ang ulo” makaraang pagbabarilin at mapatay ang mag-inang Sonya at Frank Gregorio noong Disyembre 20 sa Paniqui, Tarlac. Dahil lamang sa “boga’’ o kanyon na gawa sa PVC pipe ang ugat ng pamamaril. Malapitang binaril ng pulis ang mag-ina. Inilibing na ang mga ito kahapon.

Maski si President ay na-shock nang mapanood ang video ng pamamaril at sinabing may “topak’’ si Nuezca. Ipinag-utos niya ang mabilis na pag-usad ng kaso at siguruhing mabubulok sa bilangguan ang pulis. Bantayan daw itong mabuti at baka tumakas.

Isang beses lang palang sumasailalim sa neuro-psychiatric examinations ang mga pulis at ito ay kapag na-admit na sila sa police force. Pagkatapos niyon ay wala na. Hindi na nauulit ang neuro exams maliban na lang kung mag-aaplay ng promotion o mag-i-schooling ang police officer.

Sabi ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa isang interbyu sa PTV, dapat magkaroon kahit man lang isang beses sa loob ng isang taon na neuro exams para masiguro ang psychological at mental stability ng mga pulis.

Ayon pa kay Dela Rosa, dating PNP chief, ang mga bagong pulis na sumailalim sa neuro bago ma-admit sa police force ay maaaring stable pa ang pag-iisip subalit kapag tumagal na sa serbisyo, maaaring gumamit ito ng drugs. Dito aniya nasisira ang ulo at nagbabago ang ugali ng pulis.

Tama ang senador. Alam niya ito dahil humawak siya ng posisyon sa PNP. Kailangan talaga ang neuro exams sa mga pulis. Kung maaari gawing dalawang beses ang exms sa isang taon. At nararapat na isang private clinic o kompanya ang magsasagawa ng exams at hindi ang PNP para maiwasan ang lagayan.

Gawin ito para matiyak ang katatagan ng isipan ng mga pulis at nang hindi na maulit ang ginawa ng may “topak” na si Nuezca. Iligtas ang mamamayan sa mga “sira-ulong’’ pulis.

vuukle comment

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with