^

PSN Opinyon

Nuezca di dapat kampihan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAY isang kabaro sa pulisya si Sarhento Jonel Nuezca na wari ay ipinagtatanggol pa ang naturang killer-cop sa ginawang pagpaslang sa isang mag-ina sa Paniqui, Tarlac bunsod ng isang matagal nang alitan sa lupa.

Ito  ang chief of police ng Bato Municipal Police Station sa Catanduanes na si Capt. Ariel Baruga na sinibak dahil sa komento sa social media na parang nagbibigay ng hustipikasyon sa ginawang cold-blooded murder ni Nuezca sa mag-ina na umani ng galit ng napakaraming mamamayan.

Kahit ano pang personal na galit ay hindi puwedeng ikatuwiran para sabihing walang kasalanan ang pumatay dahil sa bugso ng damdamin. Ayon kay Provincial PNP Director Brig. Gen. Bartolome Bustamante, Police Regional Office 5 sa Bicol, kasalukuyan nang sinisiyasat ang naturang pulis sa Catanduanes Provincial Police Office. 

Nag-sorry na umano sa pamilya Gregorio si Philippine National Police chief General Debold Sinas nang magtungo sa tahanan ng pinsalang na mag-inang Sonya at Anthony Gregorio para makiramay. Tiniyak ni Sinas na ang pamilya ay mabibigyan ng hustisya. Sana, sana nga para maibalik ang kompiyansa ng mamamayan sa pambansang pulisya.

Kahit si Sinas ay binatikos sa social media ng mga galit na netizens sa tono ng kanyang pahayag tungkol kay Nuezca. Pinuri ni Sinas ang hindi pagtatago ni Nuezca at ang kusang-loob na pagsuko niya. Okay lang iyan. Wala namang masamang bigyan ng kredito ni Sinas si Nuezca­ sa mapayapa niyang pagsuko. Gayunman, hindi ito dapat maging mitigating factor para gumaan ang kanyang kaso na non-bailable dahil ito’y double murder. Karumal-dumal!

Sana rin, tunay ang galit na nadarama ni Presidente Duterte sa naturang killer-cop at siya mismo ang tumiyak na hindi magkakaroon ng white wash ang naturang kaso at maparurusahan ang kriminal. Hindi dapat masira ang buong imahe ng PNP dahil lang sa isang pulis na uhaw sa dugo. Ngunit tiyak na mawawasak ang reputasyon ng PNP kung mapapawalang sala si Nuezca.

vuukle comment

COP

KILLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with