^

PSN Opinyon

Kayo na ang humusga kay DOH Sec. Duque

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HINDI malayong umabot nga sa 500,000 ang mahahawahan ng COVID-19 dahil sa katigasan ng ulo ng ating mga kababayan. Hindi naman ito maipagkakaila dahil kitang-kita naman ang pagkukumpulan ng mga tao lalung-lalo na sa Divisoria.

Kahit na super higpit ang mga pulis at local government officials para pairalin ang health protocol, marami pa ring hindi sumusunod. Sinusuway pa rin ang pinag-uutos. May ilan pa nga na kasama pa ang kanilang maliliit na anak sa pamimili. Hindi sila nasisindak sa mga pulis at barangay tagay este tanod.

Ang masakit nito, sa halip na pagkain ang bilhin upang may pagsaluhan mas inuna pa ng iba ang pamimili ng mga laruan dahil mura nga. Mukhang nakalimutan na ang paghihirap sa pagka-quarantine nang mahigit sa anim na buwan nang manalasa nga ang COVID-19.

Kaya ang mga paalala ng Inter-Agency Task Force, mag-facemask, mag-face shield at pairalin ang social distancing at huwag maglamyerda sa kalye.

Dahil sa dami nang dumadagsang tao at pati mga sasakyan, balik ang supertrapik. Malaya nang nakaluluwas at nakapaglalakbay ang mga tao. Ang masaklap lang nito, kapag muling lumaganap ang paghahawahan na ang papasan na naman ay ang pamahalaan ni Pres. Rodrigo Duterte.

Sa ngayon, halos said na ang pondo ng bayan at napi­pilitan ng magbenta ng mga asset ang pamahalaan para pondohan ang pagbili ng bakuna.

Samantala, mukhang nagkakaroon ng iringan ang mga opisyales ni Duterte matapos magkaroon ng pag-aalinlangan sa pagbili ng bakuna sa Pfizer. May pumalpak na naman kasing opisyal sa pakikipagtransaksiyon sa nasabing kompanya ng bakuna.

Ang tinutukoy rito ay si Health Secretary Francisco Duque III. Pero suportado pa rin siya ng Presidente sa kabila nito, he-he-he! Iba talaga ang malapit sa puso ni Duterte dahil nakakalusot at napapanatili pa rin ang tiwala ng Presidente kahit ilang beses nang tinuligsa ng ilang senador at mismong mga kasamahan niya sa Cabinet. Hanggang kailan kaya ang buwenas ni Duque?

Sa aking palagay, marami na ang ayaw kay Duque. At kaya siguro nagmamatigas na ang ilang kababayan sa paglabag sa health protocol ay dahil nakikita nila na may kahinaan nga si Duque sa pagpapatakbo ng kanyang departamento.

Ano sa tingin n’yo mga suki? Kayo na ang humusga kay Duque!

Merry Christmas sa lahat.

vuukle comment

COVID-19

VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with