^

PSN Opinyon

Bakit blood-thirsty ang ilang mga pulis?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Malakas ang loob ng ilang pulis kaya walang habas kung sila ay pumatay ng tao. Kahit batid nilang sila ay kinu­kunan ng video, parang ipinagmamayabang nila na kaya nilang bawian ng buhay ang sino mang kursunada nila. Para bang sinasabi “hoy, pulis kami. May lisensya kaming pumatay ng kahit sino”.

Bakit kaya? Akala nila ay palagi silang kakampihan ni Presidente Duterte na madalas magsabi na kung maka­patay sila sa pagtupad sa tungkulin, “susuportahan ko kayo.”

Kahit hindi sabihin iyan ng Pangulo ay tama naman. Kaya may sandata ang mga alagad ng batas ay para ide­pensa ang sarili o kahit ibang tao na nanganganib ang buhay sa kamay ng mga kriminal. Hindi ginagamit ang san­­data sa pagpatay sa mga taong inosente at walang laban.

Pero ang pagkakasabi ni Duterte ay tila baga justified ang pagpatay na gagawin ng pulis kahit ano ang dahilan kaya ‘yung ibang maigsi ang pang-unawa ay nahi­hi­­­kaya’t pumatay kahit ng mga walang kalaban-laban.

Nagulantang ako at ang marami sa nag-viral na video ng isang pulis na walang habag na binaril sa ulo ang isang mag-ina na parang pumatay lang ng aso. Ang pulis ay si M/sergeant Jonel Nuezca ng Parañaque police, na pumas­lang sa mag-inang sina Sonia Gregorio, 52 at anak na si Anthony sa Paniqui, Tarlac.

Galit na galit daw ang Pangulo sa pangyayari at nanga­kong mabibigyan ng hustisya ang mag-ina. Maraming puli­tiko rin ang sumakay sa issue at kinondena ang pang­yayari. Hirap sa gobyerno, masyadong reactionary. Kapag nangyari ang aberya ay doon pa lang umaaksyon pero walang ipinatutupad na pangmatagalang solusyon!

Itong killer-cop na ito ay patung-patong na pala ang mga asunto pero nananatili pa sa serbisyo. Ngunit bakit kinailangan pa ang isang monumental crime bago siya ikalaboso? Kung walang nag-viral na video ng pamamaslang mapapansin kaya ng gobyerno ang buktot na ginawa ng killer-cop para gawan ng aksyon?

vuukle comment

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with