^

PSN Opinyon

Katotohanan ‘di masisikil/6 na maikling kuwento

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

TRENDING ito online; papuri sa mga umakda ng orihinal na Ingles:

“Ibig ko na ngayon din ang ibigay mo sa akin na nasa isang pinggan ang ulo ni Juan Bautista.” Marco 16:25

Masisikil ba ang katotohanan sa pagpatay sa mensahero? Turo ng kasaysayan: hindi. Lumaganap ang Kristi­ya­nismo miski matapos ikrus si Hesus. Mas nangahas ang mga Pilipino nang patayin si Ninoy Aquino. Mas umigting ang Himagsikan nang barilin si Jose Rizal. Hindi na natuto ang mga tirano, diktador, at iba pang malulupit na lider. Nabubuhay ang katotohanan kapag pinatahimik ang men­sahero. Mas lumalakas pa ang men­sahe. ‘Yan ang pana­wagan sa mga sumasampala­taya. Huwag matakot isiwalat ang katotohanan, sapagkat ito ang magpapalaya sa atin. Lahat tayo mamamatay pero meron munang dapat tuparin na misyon.

* * *

Samantala, anim na maiikling kuwento:

Nagkasundo lahat ng mag-kabaryo na magdasal para umulan. Sa takdang araw ng pagdasal, nagtipon ang lahat, pero isang bata lang ang dumalo na may dalang payong. ‘Yan ay sampalataya.

Kapag iitsa mo ang musmos sa ere, tawa lang ito nang tawa, kasi alam niya na sasaluhin mo siya. ‘Yan ay tiwala.

Sa gabi nahihiga tayong walang katiyakan kung baba­ngon pa sa umaga, pero sine-set natin ang alarm para ma­gising. ‘Yan ay pag-asa.

Malalaki ang plano natin sa buhay, miski hindi natin alam ang kinabukasan. ‘Yan ay kabuuan ng loob.

Batid natin ang hirap ng mundo, pero nag-aasawa tayo at nag-aanak. ‘Yan ay pag-ibig.

Nakapaskel sa kamiseta ng uugud-ugod: “Hindi ako edad-80; ako’y sweet sixteen na may 64 taong karanasan.” Yan ay pananaw.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM)

vuukle comment

JOSE RIZAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with