^

PSN Opinyon

Paskong tuyo ang mga retiradong pulis

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAGHIHIMUTOK ang mga retiradong pulis matapos ma­antala ang kanilang pension. Napabayaan daw ng mga non-uniformed personnel kaya hindi ito naiparating sa Philippine National Police-Police Retirees Benefit Service (PNP-PRBS) sa Camp Crame, Quezon City. PNP chief Gen. Debold Sinas, narito ang reklamo: Every 16 or 17th of month ang bigayan ng PNP pension sa Landbank ATM. Kaso walang nakuhang pera ang mga retirees kaya nagpuntahan sila sa kanya-kanyang district para magreklamo. Natuklasan nilang ang maraming updated papers na tapos pero hindi naipadala sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ang masaklap, pinabalik sila ng HQ sa kanya-kanyang station. Pinaulit ang updating. Kasi ‘di rin dinadala ng mga taga-Station sa HQ ang updated papers nila! Ayon sa kausap ko, “Alam mo ang dahilan ng mga buddy police na nagpupunta sa mga haus ng mga retirees ay marami raw silang trabaho kaya ‘di nila nadala sa HQ ang transmittal saka ‘yun daw mga N.U.P. sa station ang ‘di nagda­dala ng mga papeles! Ano bang klaseng paliwanag ‘yan! ‘Di ba iyan ang ibinigay sa kanilang trabaho ng CPNP. Sa WPD-Stn 11 sa Chinatown, isang dangkal na ang papeles dun na ‘di dinadala sa MPD HQ. ‘Yan ang kuwento ng mga pulis!

Bakit ba kailangang ipunin  muna sa station, sa district­ at sa NCRPO ang mga na-filled-up na mga updating forms bago ipadala sa higher ups? Bakit binalewala nila ang paghihirap ng mga retiradong pulis sa Crame Grandstand? Kada palit na lang ng CPNP, palit din ng proseso? Sana naman sa next year na nila hinold, siguro naman eh walang namatay na retirees ngayong December. Ah meron nga pala si retired MPD Investigator Insp. Diosdado Garcia ng MPD Station 3”. Calling Gen. Sinas Sir, pakiaksyunan naman ito.

Samantala, isang residente naman ng Rodriguez, Rizal ang nakapagbulsa ng P23.9 milyon matapos ma­tumbok­ ang 6/42 jackpot prize. Inihayag ng Philippine Charity­ Sweepstakes Office (PCSO) na napanaluhan ang jockpot prize na P23,902,883.80 sa 6/42 draw na may kombinasyong 11-34-06-42-15-33. Sa mga nagwagi, pumunta kayo sa tanggapan ng PCSO main office sa Mandaluyong City upang kunin ang inyong premyo.

Hinihikayat ni PCSO General Manager Royina Garma ang publiko na tangkilikin ang mga palaro ng PCSO para makalikom ng pondo ang ahensya upang magamit sa pangangailangan ng mga Pilipino. Ang PCSO ay pangunahing ahensya na tumutugon bilang principal government Agency na lumilikom ng pondo para punduhan ang health programs, medical assistance and services, and charities of national character.

vuukle comment

PASKO

PNP

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with