^

PSN Opinyon

Kuwidaw sa ‘di awtorisadong bakuna kontra sa COVID

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Huwag nang humirit pa ng batikos kay Health Secretary­ Duque.Talagang labs siya ni Presidente Duterte kaya ano man ang napupuna ng taumbayan laban dito ay kino­kontra ng Pangulo.

Sa kabila ng pahayag ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin na may kapabayaan ang Department of Health (DOH) kaya nasilat ang delivery sa Pinas ng may 10-mil­yong doses ng COVID vaccine ng Pfizer, todo depensa si President sa BFF niyang si Duque.

Aniya, walang malaking pagkakamali si Duque sa nangyaring aberya sa Pfizer deal. Sabi ni Presidential Spokesman Roque, hindi naman ito malaking bagay dahil tuloy pa rin naman ang negosasyon bagama’t naantala lang ang delivery ng bakuna.

Pero dapat sana ay available na ang bakuna sa Enero ng papasok na taong 2021. Dahil sa aberya, ito ay maide­deliver pa rin sa pagitan ng una o ikalawang yugto ng taon. Bagamat maraming natatakot sa bakuna bunga ng Dengvaxia scare, marami rin ang umasa na sila’y mababakunaan na.

Dahil diyan, may mga balita na  pinasok na ng bakuna mula sa China ang blackmarket  at marami na ang nagpa­pabakuna laban sa COVID kahit hindi pa ito aprubado ng pamahalaan.

Sa isang panayam sa radio, sinabi ng isang negosyante na pasikretong may nagaganap na pagbabakuna sa ilang lugar sa bansa. Paano kung ito ay isang scam at walang bisa ang bakuna na pinababayaran ng malaking halaga? At papaano rin kung ang pagbabakunang ito na isang clandestine operation ay posibleng magdulot ng masamang epekto sa taong nabakunaan?

Dapat tutukan ng pamahalaan ang nangyayaring ito at kailangan kumilos para huwag nang magpatuloy ang ope­rasyon dahil kalusugan at buhay ng taumbayan ang nakataya.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with