^

PSN Opinyon

PAO bakit sinisisi ni Sec. Duque?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Sabi ni Health Secretary Francisco Duque, ang Public­ Attorney’s Office (PAO) sa pamumuno ni Atty. Percida Acosta ang dapat sisihin kung bakit nawalan ng tiwala ang taumbayan sa bakuna. Tinutukoy ni Duque ang pag-a­­abogado ng PAO sa pamilya ng mga naging biktima ng Dengvaxia.

Pinuna ni Duque na walang humpay ang PAO sa pag­­sasampa ng kaso sa mga opisyal ng gobyerno na dawit sa implementasyon ni Acosta. Natural lang na gawin ito ng PAO komo ito ang abogado ng mga biktima ng Dengvaxia.

Marami ang mga namatay sa bakunang ito na inindorso­ ng pamahalaan at ginamit sa mga kabataan bilang panlaban sa Dengue. Tama naman na mabigyan ng katarungan ang mga kamatayan ng mga batang nabakunahan nito. Bakit sisisihin ang PAO na tumutupad lang sa tungkulin?

Palibhasa kasi, si Duque ay hindi tinatantanan ng tuligsa­ ni PAO Chief Percy Acosta dahil kabilang siya sa nag-aproba sa paggamit ng naturang bakuna noong panahon pa ni Presidente Aquino. Pero Ayon kay Duque, hindi siya dapat sisihin porke siya raw ang nagpatigil sa paggamit sa naturang bakuna na sinimulan nang hepe pa ng Department of Health si Iloilo Rep. Janet Garin.

Ngayong nalalapit nang ipatupad ang mass vacci­nation­ laban sa sakit na COVID-19, mukhang marami ang nata­takot magpabakuna dahil sa nakakakilabot na kara­nasan­ ng bansa nang ilunsad ang Dengvaxia. Sa kasong ito, walang dapat sisihin kundi ang mga naunang pangya­yari nang marami ang naireport na kaso sa pagkamatay ng mga kabataang tinurukan ng Dengvaxia at ang mga taong nag-implementa nito.

Si Acosta ay nagtatangol lamang upang makakuha ng hustisya ang mga biktima. Kung ito man ay naging nakakakilabot na balita, hindi ito dapat isisi sa PAO. Hindi kayang umupa ng mahusay na abogado ng mga naaagrabyadong mahihirap. Pasalamat tayo at may ahensya ng pamahalaan na nagbibigay ng libreng legal service, at ito nga ay ang PAO.

vuukle comment

PAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with