^

PSN Opinyon

Huwag gumamit ng plastic bag; Pagtitipid sa tubig

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang Pilipinas ay isa sa pinaka-malakas gumamit ng plastic bag sa mundo. May apat na masamang epekto ito sa ating kalikasan at kalusugan.

1. Masama sa kalikasan – Ang plastic bag ay gawa sa non-renewable (hindi nabubulok) na  bagay (polypropylene­) at nagiging dahilan ng napakaraming basura papunta sa dagat at iba’t ibang panig ng mundo. Dahil ito ay napaka­gaan, nakararating ito ng malayo dahil sa hangin at tubig. Bukod sa basura, ang problema ay napagkakamalang pagkain ng ibon, isda, at mga hayop. Libu-libong hayop na ang namatay dahil sa pagkain ng plastic dahil sa hindi matunawan. Nalalason din ang mga hayop dahil sa dioxin mula sa plastic.

2. Masama sa kalusugan ng tao at hayop – Ang plastic­ bags ay nagdudulot ng panganib sa kalusugan natin. Dahil karamihan ng plastic ay napupunta sa dagat ay naka­kain ng mga isda, kapag tayo ay kumain ng isda ay posibleng magdulot ito ng kanser at iba pang seryosong sakit sa atin.

3. Magastos sa iyo – Hindi libre ang plastic bag. Dina­ragdag ang presyo ng plastic bag sa presyo ng bilihin.

4. Ang plastic bag ay hindi madaling i-recycle – Ang 1 trillion plastic bags ay nagagamit taun-taon at may 8 million metric tons ng plastic na basura ang napupunta sa karagatan bawat taon.

Solusyon:

1. Gumamit ng tela na bag. Ibaon ito kapag pumunta sa supermarket at palengke. Mas makatitipid ka pa.

2. Piliin at gumamit ng paper bag kaysa plastic bag.

3. Maging responsable tayo sa ating kapaligiran at kalusugan. Umiwas sa paggamit ng plastic bag para lahat tayo ay mabuhay ng mahaba.

4. Magbaon ng baunan sa trabaho o kung bibili ng pag­kain sa restaurant o karinderya.

Tandaan: Ang nakasasama na plastic bag ay ‘yung pang-isang gamit lang (one use only plastic). Hindi bawal ang reusable na baunan at matitigas na plastic container para sa pagkain at tubig.

* * *

Pagtitipid sa tubig

Ang tubig ay isa sa pinakamahalaga sa buhay natin. Ang bawat tao sa buong mundo ay nangangailangan ng tubig para mabuhay. Ngunit kung minsan, marami sa atin ang hinahayaan na bukas ang gripo at nasasayang ang tubig.

Para sa kapakanan ng ating pamilya lalo na sa mga susunod pang henerasyon, isipin ang mga dahilan kung bakit importante ang pagtitipid sa tubig.

1. Para mabuhay tayo – Kung walang malinis na tubig tayo ay mamamatay sa loob lamang ng 3 araw. Ang tubig ay katumbas ng buhay.

2. Para makinabang ang lahat – Kung matuto kang magtipid sa tubig, makatitipid ng libo-libong galon ng tubig kada taon.

3. Para protektahan ang kalikasan – Ang karagatan, sapa at ilog ay nakatutulong sa atin para tayo ay masuplyan at hindi maubusan ng tubig.

4. Para makatipid sa gastos – Ang pagtitipid sa tubig ay maaaring makatipid sa energy para makapag-pump ng tubig mula sa sentral na pinagkukunan nito papunta sa bahay. Makatitipid din sa gastos sa tubig bawat buwan. Kahit hindi ikaw nagbabayad ng tubig, maging responsable din sa paggamit nito.

5. Para yumaman ang bansa – Kung dati ang mga bansa ay nag-aaway dahil sa langis. Sa mga susunod na taon, ang malinis na tubig na ang pag-aawayan. Kaya dapat matuto tayo magtipid para may tubig ang bawat Pilipino.

Kahit hindi ikaw ang nagbabayad ng tubig, maging responsable sa paggamit nito. Kapag tayong lahat ay magtitipid sa tubig, giginhawa ang buhay ng lahat.

vuukle comment

PLASTIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with