^

PSN Opinyon

Wala munang salu-salo para makaiwas sa virus

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

INARESTO ng mga pulis ang 23 katao na dumalo sa isang kasiyahan (binyag) sa North Cemetery noong Sa­bado. Kabilang sa mga inaresto ang mga magulang ng bata, mga ninong at ninang at mga bisita. Malinaw na nilabag ng mga ito ang health protocol ng Inter-Agency Task Force on COVID-19. Dahil sa rami ng naaresto inilagay sila sa basketball court upang mailayo sila sa ibang preso. Sana ang pangyayaring ito ay maging open eyes sa iba pa na huwag lumabag sa health protocol.

Dahil sa mga kasiyahang ganito, baka sa isang iglap ay kumalat na naman ang COVID-19 at isailalim na naman ang NCR sa enhanced community quarantine. Said na ang kaban ng bayan kaya wala nang maaasahan sa pamahalaan. Ang pinag-uukulan ngayon ni Pres. Rodrigo Duterte ay ang pagbili ng bakunang makapagliligtas sa mga kababayan.

Konting tiis na lang at makakabalik na tayo sa normal na pamumuhay. Sumunod muna sa health protocol kung nais ninyong makaiwas COVID-19. Makakatipid tayo sa gastusin kung wala munang handaan at makakaiwas pa sa virus.

* * *

Natumbok ni National Capital Region Police Office chief B/Gen. Vicente Danao ang matagal nang pamamayagpag ng Devil Machine sa Metro Manila. Noong naka­raang linggo, pinagwawasak ni Danao ang mga video karera at fruit games machine sa Las Piñas City. Marami ang pumalakpak sa aksyon ni Danao kontra devil machine. Sa totoo lang mga suki, noong early 90’s ko pa kinakampanya ang pagsira sa mga devil machine na inilatag ng mga kapulisan sa squatters area kung kaya ako ay suma­saludo sa naging aksiyon ni Danao.

Para sa kaalaman ng lahat, habang nagsusulputang parang kabute ang mga video karera at fruit games machine sa mga slum area, ‘di mawawala ang mga adik sa droga. Tripping kasi ng mga adik ang paglalaro ng devil machine sa tuwing nakasinghot ng droga at oras na matalo o masaid ang pambili nila ng shabu tiyak na maghahanap ito ng pagkukunan ng datung. Nandiyan ang mangholdap­, magnakaw at pumatay para lamang makalikom ng pera na pambili ng shabu. Kayat sa aksiyon ni Danao sa video karera at fruit games machine dapat lamang na hindi siya ningas cogon dito. Dito rin kasi niya nalalambat ang mga pulis na maintainer ng mga makina at dito rin niya matutumbok ang mga tong collectors na sumisira sa PNP.

General Danao sir, huwag mong tatantanan ang mga devil machine upang mailayo mo sa pagkagumon sa droga at sugal ang sambayanan sa Metro Manila. Abangan!

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with