^

PSN Opinyon

Maayos na kaya ang problema sa NLEX?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Gumamit ng political will si Mayor Rex Gatchalian nang alisan niya ng business permit ang North Luzon Expressway (NLEX) dahil sa palpak na sistema ng RFID na nagiging dahilan ng matinding trapiko sa lungsod. Ilang araw ding masaya ang mga motoris­tang nagdaraan sa entrance ng NLEX sa Mindanao Avenue at Mac Arthur highway dahil walang toll fee na binabayaran.

Tiyak, milyun-milyong pisong pagkalugi ang tinamo ng NLEX sa ilang araw na  suspendido ang kanilang permisong magnegosyo. Kaya  tiniyak ng pamunuan nito na simula sa araw na ito, magbubukas na ng cash lanes ang NLEX sa kapakanan ng wala pang RFID sticker para iwasan ang pagkatengga ng mga sasakyang nagbabayad ng manu-mano. Ililipat din daw nila ang instilasyon ng RFID sa ibang lugar para hindi nakakabara sa daan ang napakarami pang walang stickers.

Sa isang banda, kawawa ang mga personnel ng NLEX na hindi makapagtrabaho. Pero ibig lang ng alkalde na ipaliwanag ng management ang ugat ng problema at ilahad kung paano nila aayusin sa lalong madaling panahon ang aberyang ito.

Madalas, hindi makabasa ang mga sensor ng RFID sa toll gate kaya matagal bago tumaas ang barriers. Kung minsan, kahit may load pa ang iyong RFID ay ayaw tumaas ang mga barriers kaya ang siste, ibibigay mo ang iyong RFID card sa teller para gawing mano-mano ang pagbasa.

Imbes na mapadali ang pagbibiyahe ng mga sasakyan, lalong nagtatagal. Humihingi ng dialogue ang pamunuan ng NLEX sa alkalde ng Valenzuela para pag-usapan ang problema pero tumanggi si Gatchalian.

Tama naman ang alkalde. Kung mag-uusap, malamang humingi pa sila ng palugit para maayos ang kanilang palpak na sistema at kung hindi maaayos agad, magsisikip uli ang daloy ng trapiko. Ayon sa pamunuan ng NLEX, hihingi sila ng Temporary Restraining Order upang mapigil ang kanilang suspension.

Kung tutuusin, tumpak ang ginawa ni Gatchalian at dapat pamarisan ng lahat ng lokal na opisyal na naaapektuhan ng depektibong sistema sa RFID ng NLEX.

vuukle comment

NLEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with