^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Libreng sakay sa bus sa QC

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Libreng sakay sa bus sa QC

Mahirap sumakay sa mga pampublikong sasak­yan ngayon. Bukod sa kakaunti ang mga bumi­biyahe, iilan lang ang naisasakay (lalo ang bus) dahil sumusunod sa health protocol na dapat ay isang metro ang pagitan ng mga pasahero. Marami rin sa mga dyipni ang hindi pa rin pinapayagang makabiyahe. Pawang maiikling ruta lang ang binuksan.

Kalbaryo para sa mga pasahero ang kakulangan ng masasakyan. Maski agahan nila ang gising para hindi maatrasado sa trabaho, wala ring saysay sapagkat walang masakyan. Halos mamuti na ang kanilang mga mata sa paghihintay ng masasakyan pero bigo pa rin sila.

Ang problemang ito ang sinulusyonan ni Quezon­ City Mayor Joy Belmonte. Noong Lunes, 85 bus ang bumiyahe sa ilalim ng bus augmentation program. Walong ruta ang binuksan na malaki ang maitutulong sa commuters para hindi na sila mahirapang sumakay. Ang kapuri-puri pa sa programang ito ng Quezon City, libre ang sakay. Walang pamasahe. Convenient ang pagbibiyahe sapagkat malamig.

Ang mga ruta na nasa ilalim ng bus augmentation program ay Quezon City Hall patungong Cubao, Litex/IBP Road, General Luis St., Mindanao Ave­nue/Quirino, Gilmore, C5/Ortigas Avenue Extension at Muñoz, Welcome Rotonda at Aurora Blvd.

Sabi ni Mayor Belmonte, pinag-aralan nilang ma­buti ang mga rutang tatahakin ng mga bus pati mga pick-up points para masigurong hindi mahihirapan­ ang commuters. Umaasa siya na ang programa ay makakatulong na maibsan ang kakulangan ng public­ transportation at para na rin mapabilis at ma­ging ligtas ang commuters patungo sa kanilang destinasyon.

Kapuri-puri ang hakbang na ito ng QC government­. Malaking tulong ito sa commuters na halos araw-araw ay namumroblema kung paano makakasakay para makarating sa kani-kanilang trabaho. Mala­king­ kaginhawahan ang libreng sakay lalo na sa mga mang­gagawang kakarampot ang kita na na­apek­­tuhan pa ng pandemya. Magandang halimbawa ang ginawa ng QC government at sana maisip din ito ng iba pang LGU para mapagaan ang pagtungo sa trabaho ng mga mangagawa lalo na ngayong nana­nalasa sa bansa ang pandemya.

vuukle comment

BUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with