^

PSN Opinyon

May body cams na ba?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Nanawagan si Sen. Francis Pangilinan na ipasa na ang Senate Bill 427 o ang Body Camera Act para mabigyan­ ng kaukulang proteksiyon ang publiko sa mga maaaring pang-aabuso ng kapangyarihan ng mga awtoridad tulad ng pagtatanim ng ebidensiya o ang pagpatay ng mga suspek.

Ayon sa batas, dapat buksan ang mga body cameras­ bago pa masimulan ang anumang operasyon ng mga pulis. At nagbibigay rin ito ng proteksiyon sa mga pulis­ para patunayan na legal at tama ang kanilang mga aksiyon­ bilang tagapagpatupad ng batas.

Pero matagal na dapat pinatupad ito ng PNP. Marami nang naging hepe ng PNP, wala pa akong alam na operasyon kung saan gumamit sila ng body cams kahit matagal nang pinag-uusapan. Ang mga CCTV pa nga ang nakakahuli ng mga pang-aabuso. Hindi ko nga alam kung bakit may mga operasyon kung saan nililihis muna ang mga nakikita ng CCTV.

Magtataka ka talaga. Kung may tinatawag na “presumption of regularity”, bakit kailangang gawin iyan? Pro­teksiyon para sa mga pulis? Para hindi sila mamukhaan? Parang mahinang dahilan naman iyan. Magsuot lang ng face mask hindi na sila mamumukhaan.

Noong Oktubre, hinihintay na lang ng PNP ang de­livery­ ng 2,600 body cams. Umaabot sa P287 milyon ang budget ng PNP para sa body cams kaya dapat marami pa ang matatanggap. Isinailalim sa testing noong Ok­tubre 12, 2020. Ang mga anti-drug operatives ang unang tatanggap ng mga body cams. Ilang operasyon kontra droga na ang nababalitaan ko pero wala pa akong nari­rinig hinggil sa paggamit ng body cams. Kaya nga nananawagan na si Pangilinan na ipasa na ang batas.

Hindi ka masisisi kung iisipin mong sadyang inaantala ng PNP ang paggamit ng body cams. May mga nakaraang okasyon kung saan hindi sinunod ng pulis ang tama at legal na proseso sa kanilang operasyon. Kung tama ang paggamit ng body cams, kung kailan naman iyon, makikita lahat ng kanilang kilos.

Maliban na lang kung may mga dahilang lilitaw tulad ng naubos ang baterya, nagalaw ang camera at hindi na sa harap nakaturo, nalaglag, nasira at kung ano pa. Para sa proteksyon ng publiko pati na rin ng mga pulis, ipatupad na ang paggamit ng body cams.

vuukle comment

FRANCIS PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with