^

PSN Opinyon

Tough love

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Pabuti nang pabuti ang talaan ng ating COVID-19 infections. Itong nakaraang linggo, maipagmamalaki natin na nasa below 5% ang ating positivity rate. Ang ibig sabihin nito’y sa kalahatan ng na-test sa kada araw, halimbawa’y sa bawat 100, mas mababa sa lima katao ang lumalabas na positibo.

Sa kasagsagan ng pandemya noong Abril, abot sa 17% ang ating positivity rate. Mas mababa pa ang bilang ng total testing natin noon subalit nang malaon na tumaas na rin ang ating daily testing output, medyo matagal pa rin ang inilagi nating sa mga 9-10%.

Ang magandang resulta sa ngayon ay karapat dapat ikasiya dahil pasok ito sa pamantayan ng WHO na naku-kontrol ang pandemya. Para sa WHO, basta below 5% ka ay maganda na. Siyempre, ang ideyal na ngayon ay ang mas mahigpit na 3% positivity rate. Sino ang makapagsasabi na hindi rin natin maaabot ang ganung iskor?

Sa kabila nito, marami pa ring kailangang mangyari upang makaraos tayo kagaya ng ating mga karatig bansa. Hambing sa kanila’y pinakamalala ang pagbagsak­ ng ekonomiya natin sa Asya. Dahil dito’y doble kayod dapat upang makahabol sa paraang hindi naman isasakripisyo ang kaligtasan.

Nabigla tayo nang mabasa sa Taiwan ang sinisingil na penalty sa isang kababayang OFW na pasaway na sumilip lamang sa labas ng kanyang quarantine room. Ang pobreng Pinoy na hindi na siguro matagalan ang dala­­wang linggo pagkakulong ay binuksan ang pintuan ng kuwarto at tumapak lang sa corridor ng 8 seconds. Dahil sa violation na ito na nahuli sa CCTV, pinatawan ito ng fine na halos P170,000.

Ganitong uri ng disiplina ang pinatutupad ng ating mga kasamahan sa ASEAN. Kita naman sa kanilang mga ista­tistiko na napakababa ng kanilang infection rates hambing sa atin. Indonesia pa rin lang ang tumatalo sa atin sa bilang ng impeksiyon.

Anumang tough love o mahigpit na disiplina ang hinihiling ng pagkakataon, ating bunuin dahil sa ganitong paraan lang tayo makaaahon at makababawi.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with