^

PSN Opinyon

Tollway mula sa Valenzuela, libre!

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Nasurpresa ako kamakalawa ng gabi nang papauwi ako ng bahay kasama ang aking misis mula sa Valenzuela City. Lahat ng mga sasakyan, kasama na ang malalaking­ cargo truck ay pinadaan nang walang toll fee at walang tumatao sa mga toll booth maliban sa mga itinalagang mangasiwa sa trapik ng lungsod.

Tinutuo ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian ang banta­ sa pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) na aalisan ito ng business permit kapag hindi naipaliwanag kung bakit sa kabila ng pitong taong umiiral ang Radio­ Fre­­quency Identification (RFID) ay depektibo pa rin ang sistema. Kahit may RFID ang mga sasakyan, ayaw mag­bukas ng mga barriers­. Suma-total - nagkakabuhol-buhol ang daloy ng trapiko.

Tama naman. Hindi sa pinipigilang kumita ang mga kompanyang nangangasiwa sa mga tollways kundi dapat lang isulit ang perang ibinabayad ng mga motorista para maging maalwan at mabilis ang biyahe. Personal ko rin kasing karanasan na kapag ayaw magbasa ang sensor ng RFID, napipilitan akong magbayad muli kahit may load pa ang aking RFID sticker.

Kaya palaging mahaba ang pila ng mga sasakyan dahil hindi agad makapasok ng highway ang mga motoristang natetengga sa hindi pagbukas ng barrier. Mabuti-buti pa nga ang South Luzon Expressway (SLEX) dahil mabilis magbukas ang mga barriers dahil episyente ang sensor ng RFID.

Ang nais lang ni Mayor Gatchalian kung bakit ginamit niya ang kanyang police power ay alamin kung ano ang problema ng NLEX at kung ano ang plano nito para lutasin ang problema.  Maganda ang ginawa ng alkalde.

Dapat siguro, ang ibang alkalde na naaapektuhan ng palpak na serbisyo ng NLEX ay sumunod sa ginawang aksyon ni Mayor Gatchalian.

vuukle comment

RFID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with