^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ilantad na ang mga tiwaling mambabatas

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Ilantad na ang mga tiwaling mambabatas

LABINDALAWANG mambabatas ang ibinunyag kamakailan ng Presidential Anti-Corruption Com­mission (PACC) na tumatanggap ng kickback sa infrastructure projects ng Department of Public­ Works and Highways (DPWH). Dahil sa laki ng kickback ng mga mambabatas at sa porsiyentong nakukuha ng mga korap na DPWH officials, 50 percent na lang ang napupunta para sa project at ito ang dahilan kaya substandard ang mga proyekto. Ampaw ang mga kalsada at tulay kaya madaling masira.

Kamalawa, kinumpirma naman ni Justice Sec. Menardo Guevarra na sangkot nga ang mga mambabatas sa korapsiyon sa DPWH. Ayon kay Guevarra, mayroon na silang limang mambabatas na sangkot sa katiwalian sa DPWH. Ang limang mam­babatas, ayon sa Justice Secretary ay sang­kot sa infrastructure projects. Ganunman, tumanggi si Guevarra na pangalanan ang limang mamba­batas. Ka­ilangan aniya ay may sapat at matibay na ebidensiya laban sa mga inaakusahang mambabatas.

Ibinunyag naman ni PACC Commissioner Greco Belgica na merong mambabatas na kumubra ng P10 milyon sa project contractor. Meron din daw mambabatas na humingi ng P100 milyon sa isang malaking proyekto na gagawin sa kanyang distrito. Kapag hindi raw magbibigay ay hindi papapasukin sa kanyang nasasakupang distrito.

Ngayong kinumpirma ng DOJ na talagang may mga mambabatas na sangkot sa katiwalian sa DPWH, dapat kumilos pa ang pinamumunuang komisyon ni Belgica para mahubaran nang tuluyan ang mga “buwaya”. Kung hindi kikilos ang PACC, walang mangyayari sapagkat minsan nang sinabi ni President Duterte na hindi niya mapapakialaman ang mga mambabatas sa isyu ng korapsiyon.

Nararapat magtulungan ang DOJ at PACC para ganap nang maputol ang katiwalian sa DPWH. Kapag nakakuha sila nang matibay na ebidensiya laban sa mga “buwayang” kongresista, ilantad ang mga ito. Maniniwala at masisiyahan ang taumbayan sa gobyerno kapag nalantad ang mga kurakot na mambabatas.

vuukle comment

DPWH

PACC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with