^

PSN Opinyon

Mayayamang nagnanakaw: naglipanang ehemplo rito (Karugtong nang nalathala kahapon)

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

PAGTATAKIP sa masama kung sabihin na ang mayaman­ ay hindi nagnanakaw. Nilista ko kahapon ang walong bilyonaryong gangsters at isang investment adviser na tumangay ng maraming pera’t buhay.

Sa Pilipinas naglipana rin ang mayayamang nagnanakaw. Sa ekonomiya sila ang oligarchs. Iilang pamilya sila na kumokontrol sa negosyo. Hawak nila ang mga utilities: tubig, kuryente, transportasyon, telecoms. May-ari ng mga bangko, lupa, retail, pabahay. Ang masama ay nandadaya sa buwis at nanunuhol para maka-kontrata sa gobyerno. Maraming aklat na ang nagsiwalat sa deka-dekadang pagka-ganid nila.

Sa pulitika sila ang dynasties. Iilang pamilya rin na kumo­kontrol sa pambansa at lokal na puwesto – na labag­ sa Konstitusyon. Halinhinan silang mag-asawa, magkapatid, magulang at anak. Hinahanap-buhay ang serbisyo publiko. Kumukumisyon sa mga kontrata ng gobyerno.

Nu’ng 2013 nalantad ang kutsabahan ng oligarchs at political dynasts sa pandarambong ng bilyun-bilyon-pisong pork barrels. Walong senador, mahigit 150 kongresista, at dose-dosenang lokal na opisyales ang nasa listahan ng fixers ng mga pekeng proyekto.

Sina Ferdinand at Imelda Marcos at cronies ang pinaka-malala sa mga oligarchs at political dynasts. Niluklok ang sarili panghabambuhay sa puwesto. Gumamit ng alyas na William Saunders, Jane Ryan, atbp. sa pagdeposito ng bilyong dolyares sa Swiss banks, at sa pagkamkam ng mga kompanya, gusali, lupa, mansiyon, artworks, alahas, at relos.

Dahil kina Marcos, Imelda at cronies, dumapa ang ekonomiya. Dahil sa oligarchs at dynasts, hindi makabangon ang ekonomiya.

* * *

Sampung hindi mabibili ng pera: (1) Kabutihang Asal, (2) Moralidad, (3) Galang, (4) Pagkatao, (5) Sentido komon, (6) Tiwala, (7) Pasensiya, (8) Pagkaginoo, (9) Integridad, (10) Pagmamahal.

vuukle comment

CORRUPT

MONEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with