^

PSN Opinyon

Salamat sa tulong

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

ANG hindi alam ng marami na nagsidatingan dito sa Davao­ City simula noong nakaraang buwan ang ilang doctors at nurses at iba pang medical frontliners, contact tracers­ upang tumulong sa local government ng Davao City at sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa pakikipaglaban kontra COVID-19 pandemic.

Naging problema kasi nitong mga nakaraang araw ang spike ng COVID cases dito sa Davao City. Ikinabahala nga ng mga tagarito na parati na lang No. 1 kung hindi No. 2 o nasa top 5 ang Davao City. Kaya nga nilagay ng Inter-Agency Task Force Against Emerging Infectious Di­seases (IATF-EID) ang Davao City sa general community quarantine (GCQ) status hanggang December 31.

May isang buwan na ring nasa GCQ ang Davao City ngunit hindi pa rin ito nawawala sa top 5 na areas ng may pinakamataas na bilang ng COVID-19 cases sa bansa. 

Patuloy na mataas ang bilang ng bagong COVID-19 cases dito sa Davao City kaya naman nagpadala ang ilang local governent units gaya ng General Santos City, Cagayan de Oro City at Baguio City, maging ang mga medical frontliners ng Armed Forces of the Philippines na tumulong sa mga health workers dito sa Davao City, lalo na sa SPMC. 

Kaya nga nangamba na rin ang mga awtoridad na mag-collapse ang SPMC dahil nga overwhelmed ito sa mga bagong cases. May ginawa na ring system ang Department of Health na One-Hospital-Command-Center upang maagapan ang pagbagsak ng hospital system dito. Dinagdagan na rin ng local government unit ang mga COVID-19 treatment facilities para sa mga cases na kailangan ng isolation ngunit hindi kailangan ng hospitalization. Nang sa ganun hindi na darami at madede-congest ang SPMC sa mga COVID-19 cases. 

Ang SPMC kasi ang nag-iisang COVID-19 referrence hospital dito sa Davao City na ginagamit din ng mga pa­s­yente galing sa mga karatig lalawigan at rehiyon. 

Kaya kahit paano, maraming salamat sa mga medical­ front­liners galing sa ibang LGUs at maging sa AFP medical­ team sa tulong ninyo sa amin dito sa Davao City. Salamat.

vuukle comment

COVID-19

HEALTH WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with