^

PSN Opinyon

Maraming nagawa si Cayetano

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

ANG tindi ngayon ng sikwatan ng Committee sa Kamara. Ang mga dating kaalyado ni dating Speaker of the House Alan Peter Cayetano ay nawalan ng puwesto at ang mga ipinalit ay ang mga sumuporta sa kasalukuyang lider ng Kamara. Hehehe! Kaya ang pagbibiyak ng national budget tila naibuhos nang husto sa mga malapit kay House Speaker Lord Allan Velasco. Pana-panahon lang ‘di ba mga suki?

Nakatutok ngayon ang sambayanan kay Velasco kung kaya niyang tapatan ang ipinamalas na kasipagan at dedikasyon ni Cayetano. Katulad na lamang nitong sa Kingdom of Saudi Arabia na may pinakamaraming Pilipinong manggagawa. Sa report  ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong December 2019, nasa 865,121 Pilipino ang nasa KSA.

Isa sa mga matagumpay na naisagawa ni Cayetano ay ang maaalis na ang Kafala (visa sponsorship) system sa Saudi. Inanunsyo ng Saudi government na simula Marso 2021 ay tatang­galin na ang Kafala system. Tinuring ng International­ Organization for Migration in the Philippines ang bagong labor inititiative ng Saudi Arabian Government bilang “game-changer­ in terms of worker protection” at partikular nitong kinilala ang pagpupursigi ng DFA na maiayos ang kalagayan ng OFWs.

Taon 2017 nang pasimulan ni dating Foreign Affairs Secretary at ngayon ay Taguig Rep. Alan Peter Cayetano ang laban sa pag-abolish ng Kafala system. Kaya ginawaran ni President Rodrigo Duterte si Cayetano ng Order of Sikatuna na may ranggong Datu for “outstanding and dedicated service” bago nito iniwan ang DFA. Maliban sa paglaban sa Kafala system, napa­taas ang pondo para sa Assistance to Nationals (ATN) Fund na mula sa P400 milyon ay ginawang P1 billion na isinulong ni Cayetano kay President Duterte at Legal Assistance Fund (LAF) na mula P100 milyon ay naging P200 milyon.

Mula nang madagdagan ang pondo sa ATN ay agad na natulungan ng DFA ang 14,995 na distressed OFWs at 685 migrant workers na may kinahaharap na kaso ang nabigyan ng legal assistance sa ilalim ng pamumuno ni Cayetano. Sa dami ng mga pro-OFW accomplishments ni Cayetano sa DFA naisulong din niya sa Kamara ang pagpasa sa panukalang pagtatatag ng Department of OFWs.

Sa loob ng isa at kalahing taon ni Cayetano sa DFA ay napahusay ang pagpoproseso ng passport, mula sa dating 9,500 pasaporte na naipuproseso kada araw, napataas ito sa 20,000 pasaporte. Niresolba rin ang isyu sa pekeng passport appointment nang ilunsad ni Cayetano ang e-payment system. Tumaas ang show-up rate ng mga aplikante mula 65 porsiyento ay naging 95 porsiyento.  Naisama sa courtesy lane ang senior citizens at isa nilang kamag-anak, mga taong may kapansanan at isa nilang kaanak, mga batang edad pito pababa, ang kanilang mga magulang at menor de edad na kapatid, mga buntis, nagbabalik na OFWs, gayundin ang solo parents at kanilang menor de edad na mga anak. Sa ilalim din ng panunungkulan ni Cayetano naipatupad ang 10 year validity ng Philippine passport.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with