^

PSN Opinyon

Dredging ng Cagayan River ulit?

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

TAON 2006 pa nang maging isyu ang “black sand (magnetite) mining” sa Rio Grande de Cagayan. Pinapansin na ito noon pa ng mga Cagayanos, simbahan at environ­mental groups, ngunit nauwi lamang ang mga daing sa mga bingi at bulag.

Sa tagal ng dredging sa 16-kilometrong Rio Grande de Cagayan ng mga kompanya (karamiha’y Chinese), hindi natanggal ang silt at napalalim ang ilog? Ngayong nangyari ang sakunang labis na pagbaha, kailangang i-dredge? 

Mismong ang Cagayan Provincial Board noong 2019 ang nag-imbestiga sa isyung “black sand mining”. Ang iginiit sa kanila --- “dredging activity lamang ito”.

Taon 2010 pa nang sabihin ng Kalikasan-Philippines Network for the Environment na, “the black sand mining in the province of Cagayan will definitely bring havoc, not only to the unique marine and river ecosystems, but also to the livelihood and safety of communities particu­larly in the coastal areas. Numerous studies and documentations have already revealed that black sand mining in coastal areas have resulted to coastal erosion, inundation of communities, and degradation of marine ecosystem.”

Umaaray na noong 2010 pa ang mga taga Lallo, Bu­guey, Calamanuigan, Dodan, Appari, Abulog, Ballesteros, Pamplona, at Sanchez Mira sa mga negatibong dulot gaya ng “community displacement, receding coastline, reduction of fish catch, at decreasing productivity.”

Noon lamang 2009, ang North Korean vessel “MV Nam Yang 8”, isang 3,400-ton vessel na may lulang 22 Korean crew, ay nahuling may dalang 2,800 metric tons (MT) na magnetite sand mula sa Cagayan.  Noong 2010, 6 na Chinese naman sa Lallo na lulan ng Hay Lon 69, na may 100 cubic meters na magnetite ore at unprocessed black sand.

Isang dekada na ang nakalipas nang sabihin ng DPWH na walang dredging permit sa kompanyang nagpapadala ng dredged  materials sa isang reclamation project sa HK na libreng kinukuha sa Cagayan.

Igiit ang “accountability”.  Tao ang puno’t dulo ng sakuna, hindi ang kalikasan o climate change.  Dulot ng siyensiya, nalalaman natin ang buhos ng ulan, daloy ng ilog o tunguhin nang malakas na pagbayo ng hangin.  Kaya nasa tao rin ang kakayahang iwasan ang sakunang dulot ng klima.  Iba nang usapan kung ang kalikasan ang minamanipula ng tao sa tawag ng kita at kapangyarihan.

* * *

Para sa inyong mga suhestiyon: [email protected]    

vuukle comment

MINING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with