^

PSN Opinyon

Nalulunod

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Hindi na nakatiis ang mga mag-aaral ng Ateneo at ng iba pang mga Pamantasan. Pag-aaklas sa pag-aaral ang naging panukala ng mga Atenista. Sinundan ito ng paghikayat ng iba pang mga student council ng De La Salle at UST na mag-suspinde muna ng semester. Maraming iba pang nakibaka. Malala ang sa UP. Mismong mga propesor­ ang naghihinaing na agad ipatigil ang kasalukuyang semester.

Hindi maitatwa ang hirap na dinanas ng lipunan nang tinapatan pa ng magkasunod na kalamidad na Rolly at Ulysses ang kalbaryo ng pandemya. Hindi lamang ang pam­pisikal nating kalusugan at kaligtasan ang nasubukan. Maging ang mental at emotional well-being ay nalulunod.

Papaano masasabihan ang estudyanteng naanod na ang gamit sa bagyo at baha na maghanda para sa eksamen o report o research paper? Marami pang lugar ang nakalublob pa sa tubig o sa putik, mga tirahang nasalanta, pami-pamilyang wala nang matirahan. Sa ganitong pamantayan, kaligtasan muna bago iskuwela.

Kahit ang mga estudyanteng nakalusot sa bagyo at baha ay nahihiyang pangatawanan ang kanilang mabu­ting kapalaran gayong ang mga kaiskuwela ay naghi­hi­ngalo­. At, tulad ng pinamukha ng mga UP professors, na kulang kulang 130 ang lumagda sa petisyon, ang mga faculty man ay hindi magkanda-ugaga. Pilit na nga ang de­sisyon na simulan ang semester nang hindi pa handa at ngayon, sa gitna ng trahedya, aasahan pang kalimutan muna ang sakuna at magpursigi?

Malalim ang pinanggagalingan ng mga argumentong­ ipagpatuloy ang pag-aaral. Anila’y ang edukasyon ay hindi maaring pag-intayin. Marahil ay kakayanin ito sakaling pare-parehong maganda ang kalagayan ng lahat ma­tapos dumaan ang peligro. Subalit matindi ang tama ng da­la­­wang­ bagyo. Dumagdag pa ito lalo sa perwisyo ng pandemya. Hindi natin masisi ang mga umaalma dahil, kailanman, wala pang tayong pinagdaanan na kasing bigat.

Ang panawagan ng mga estudyante at ng faculty ay palaisipan para sa ating mga tagapamahala. Ang sigaw ng mga apektado ay hindi karaniwang pagnguynguy. May mabigat itong pinaghuhugutan na karapat dapat tuonan ng atensyon at mabigyan ng nararapat na ginhawa.

vuukle comment

UST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with