^

PSN Opinyon

Bakit ‘di na lang kayo mamundok?

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Malaki ang pagkakaiba ng sinasabing academic break sa academic strike. ‘Yung una, nakikiusap, humihiling ng pagpapaliban muna ng panahon ng eskuwela.

‘Yung academic strike, nagbabanta, nagmamaktol, nagpa­papansin. Ako, bilang magulang ang unang papalag sa kalokohang tulad nito.

Etong mga estudyante ng Ateneo De Manila, umano’y hindi magpapasa ng kanilang mga academic requirement ngayong darating na Miyerkules.

Ito raw ang kanilang gagawin hangga’t hindi inaayos ng pamahalaan ang pangangasiwa sa bansa na may kina­laman sa pandemya’t kalamidad.

Holy cow! Alam ba ng mga nagpapaaral sa inyo ito? Etong mga estudyanteng ‘to, palamunin pa lang ng kani­lang mga magulang eh kung umasta akala mo kung sino.

Siguro, ang dapat n’yong sabihan ay ‘yung mga Jesuits at mga ari n’yo riyan sa Ateneo para i-relay ‘yang ngawang panawagan n’yo.

Una, sinuwag n’yo ang inyong mga magulang na nagbabanat ng buto para pag-aralin kayo. Ikalawa, nila­bag n’yo ang panuntunan ng inyong unibersidad na gampanan ang responsibilidad bilang mga mag-aaral.

‘Yan ba ay talagang pagiging makabayan? Bakit ‘di na lang kayo mamundok kung talagang matindi ang inyong “pagmamahal sa bayan.”

Subukan niyo kayang maging iskolar ng bayan nang maramdaman niyo ang pangambang “hanggang kailan” pa ang prebilehiyong makapag-aral.

Kung ako ang magulang niyo, hindi uubra sa akin ang ganyang kabalbalan. Itutuwid ko ‘yang baluktot na paniniwala niyo’t pag-aarte.

Pakialam ng gobyerno sa pagmamaktol niyo? Kayo naman ang babagsak ang mga grado, kayo rin ang mahihirapan na ipasa ang inyong akademya at kayo naman ang mawawalan ng magandang kinabukasan.

O mga magulang, kayo ba ang pinalalaki o mina-manage ng mga pasaway niyong anak na ‘to?!

vuukle comment

STRIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with