^

PSN Opinyon

Akala mo lusot ka na ano?

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

May isang pasaherong dumating sa Davao Internatio-nal Airport noong isang araw ang nasita dahil gumamit ng pekeng real-time reverse transcription polymerase chain reaction (rRT-PCR) test result na requirement sa mga dumarating sa paliparan dito. Napag-alaman na ang kanyang swab result ay ginawa noon pang Agosto.

Hayun at sumailalim na sa inquest proceedings ang babaing taga-General Santos na dumaan lang dito sa Davao Airport. Ito ay pagkatapos na lumabas na negative ang swab test na kinuha sa kanya sa Davao airport at siya ay dineretso agad sa Sasa Police Station kung saan kasalukuyan siyang naka-detain.

Sana magsilbing leksyon ang nangyari sa mga namemeke ng dokumento ngayong panahon ng pan-demya. Hindi biro ang COVID-19 sapagkat nakamamatay. Huwag tularan ang nasabing babae at nang hindi sa police station ang bagsak imbes na makauwi nang maayos.

At dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases muling pinaiiral ang paggamit ng  Food and Medicine Pass (FM pass) dito sa Davao City maliban pa sa requirement na Davao Quick Response (DQR) code at ID ng mga lumalabas ng bahay simula bukas.

Marami ang nagrereklamo dahil nga may FM pass na may QR code at ID pa na kailangang ipakita sa checkpoints.

Ganito kasi yan — ang FM pass ay para ma-regulate ang paglabas ng tao dahil nga may mga nakalaang araw lang na puwedeng lumabas depende sa ending number ng FM pass ng individual.

Ang QR code naman ay namo-monitor ang paglabas ng tao at kung saan siya pumupunta lalo na sa contact tracing purposes.

At ang ID naman ang magpapatunay kung saan ba talaga nagtratrabaho ang isang tao.

Kaya ito ang kailangang gawin dito dahil may ilang araw na ring Number 1 ang Davao City sa nationwide number ng new daily COVID cases sa bansa.

Nasa Number 1 kami ngunit hindi ‘yun kinaiinggitan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with