^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hustisya sa minaltratong kasambahay sa Brazil

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hustisya sa minaltratong kasambahay sa Brazil

LUMALAMIG na ba ang isyu sa minaltratong kasam­bahay sa Brazil? Mula nang dumating sa bansa ang inaakusahang dating ambassador sa Brazil na si Marichu Mauro, wala nang naririnig ukol sa kaso. May nasimulan na bang pagsisiyasat o nalimutan na?

Nawalang bigla ang mainit na pangyayari kung saan nakunan ng CCTV ang pananakit ng ambassador­ sa Pinay na kasambahay. Si President Duterte pa ang nag-utos na imbestigahan ang pangyayari.

Biglang ni-recall ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Mauro. Subalit matapos iyon ay wala na ngang narinig na balita sa kanya. Hindi rin malaman kung nasaan na ang minaltratong kasambahay.

Ang huling narinig sa kontrobersiyal na isyu ay may grupo umano ng ex-diplomats na nagpahayag ng pagsuporta sa dating ambassador. Kinakampihan nila ang dating ambassador. Sabi umano ng grupo, “That single incident should not define the character of Ambassador Mauro.”

Sabi naman ng DFA naninindigan sila na hindi makaaapekto sa gagawing pag-iimbestiga ang ginagawang pagsuporta ng grupo. Tatalima ang DFA sa kaso ni Mauro at gagawin nila ang lahat nang na­aayon sa batas. Masinsinan ang gagawin nilang pag-iimbestiga sa dating ambassador.

Naging viral ang video ng dating ambassador nang ipalabas ng Globo News sa Brazil ang pananakit nito sa kanyang 51-anyos na kasambahay sa loob ng kanyang diplomatic residence sa Brazil. Kuhang-kuha sa video na sinasampal ni Mauro ang kasambahay at sa iba pang video, makikita ang iba’t ibang uri ng pananakit na ginagawa nito sa kasambahay.

Sabi ni DFA Sec. Teodoro Locsin Jr. bumuo na siya ng team para mag-imbestiga sa pagmamaltrato ng dating ambassador. Pangungunahan ang team ni Philippine Consul General to Sydney Ezzedin H. Tago. Kasama sa team na mag-iimbestiga sina Jaime B. Ledda, Narciso T. Castañeda at Atty. Ihna Alyssa Marie Santos.

Pero hanggang ngayon wala pang lumalabas na resulta ng imbestigasyon. Ano nang nangyari? Gumugulong na ba ito? Mayroon na bang naumpisahang imbestigasyon?

Nararapat makamit ng kasambahay ang hustisya sa sinapit nito sa ambassador. Hindi dapat maba­lewala ang pangyayari o mawala na lamang at sukat. Hindi dapat mapalampas ang ginawang pana­nakit sa kasambahay.

vuukle comment

BRAZIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with