^

PSN Opinyon

Ang masalimuot na pagkuha ng RFID

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NGAYONG unti-unti nang bumababa ang bilang ng mga nahahawahan ng COVID-19, dapat lamang na baguhin din naman ang sistema. Kaya naman maraming ahensiya ng pamahalaan ang nagpapatupad ng no physical contact kabilang dito ang pagkakabit ng radio frequency identification (RFID) sa mga sasakyan upang mapabilis ang pagbiyahe ng mga  kababayan natin na naburo sa mahigit na siyam na buwang pagkaka-quarantine.

Subalit mukhang may mga salto pa itong dapat na iwasto upang lalong mapabilis pa ang pagpapatupad nito sa new normal na kinakaharap ng bansa. Ang masakit nito mula nang ipatupad ang pagbabago ng Department of Transportation (DOTr) ay tila lalong lumalala ang pasanin sa gastusin at ginugugol na oras ng mga kababayan natin.

Kaya naging daan ito upang kumilos si Senator Grace Poe para saklolohan ang mga mahihirap nating kababayan na mapabilis at mabawasan ang gastusin, kasi nga ma­laking bagay ang barya-baryang nakukupit sa mga RFID na binabayaran nila upang mapabilis ang kanilang pagbibiyahe araw-araw.

Dapat kasi na masusing pag-aralan ng DOTr ang buong proseso ng cashless payment system sa mga toll road upang maiwasan ang pagkakamali sa kalku­lasyon na ikalulugi ng mga motorista. Hindi dapat na magdusa ang mga motorista sa ipinatutupad na  regulasyon ng pama­halaan sa paggamit ng cashless toll system.

Iginiit ni Sen. Poe, chairperson ng Senate committee on public services. na hindi dapat kumplikado at masalimuot ang pagkuha ng RFID. Dapat kasimbilis lang ng pagpapakarga ng gasolina ang pagpapalagay ng RFID sa mga sasakyan ng mga motorista. Get mo Sec. Tugade? Kasi nga naman nitong mga nakalipas ng mga araw halos mag­hapong nakapila ang mga nagugutom nating drayber sa pagpila para lamang makakuha ng RFID.

Ginawang mandatory ng Department Order No. 2020-012 ng DOTr ang contactless transaction sa mga express­way kaya tumalima naman dito ang mga kababayan natin. Subalit ang super bagal at palpak na pagbibigay ng RFID at singilan nito ang pangunahing inirereklamo. “Kaila­ngang masuri ng gobyerno ang buong sistema at tingnan ang pagbabayad sa dulo ng proseso,” ang napuna ng  senadora. Hehehe!

Sabi ni Poe, habang ibinibigay ng mga toll operator ang RFID sticker nang libre, ang tanging gagawin ng DOTr ay tingnan ang aspeto ng balanse sa RFID at kung may posibleng singil sa paglo-load upang matiyak na hindi dehado ang mamamayan. “Mahalaga ang bawat halagang maiiwan sa kanilang mga pitaka, sa pamamagitan ng hindi paghingi ng di-kinakailangang deposito o mas mataas na maintaining balance kaysa sa gagamitin nila. Marami nang pasanin ang ating mga kababayan,” sambit ng senadora.

Inihalimbawa ng senador ang Cavitex na kailangang mayroon ang mga motorista ng pinakamababang balanse na P100 sa kanilang mga RFID account at hindi pinapayagan ng sistema ang debiting mula sa account kahit mas maliit ang toll fee na kanilang babayaran.

Aniya, kung pumasok ang isang motorista sa Cavitex mula sa Roxas Boulevard at lumabas sa Zapote exit na may P99 balanse, kailangan pa nitong mag-load sa kanyang account kahit aabot lamang sa P25 ang halaga ng toll fee. “Anumang karagdagan o hindi kailangang gastusin ay hindi na katanggap-tanggap sa mamamayan. Nawalan na sila ng trabaho at kita na may lumolobong utang na kanilang binubunong bayaran,” paalala ni Poe.

Kaya dapat tiyakin mo Sec. Tugade  na di papapasanin ng mga motorista ang hindi kinakailangang halaga sa pagmimintina ng balanse. Umaasa ako na ang sistema ng RFID ay magiging maayos at kikiling sa kapakanan ng mga motoristang gasgas na ang bulsa sa gitna ng sunud-sunod na kalamidad at pandemya.

vuukle comment

RFID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with