^

PSN Opinyon

May topak ang mister (Unang bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Isa na naman itong kaso ng psychological incapacity ng isang asawa na ginamit na basehan para mapawalang-bisa ang kanilang kasal. Alinsunod sa batas at mga desisyon, ang sakit ay sa pag-iisip at hindi sa katawan. Dapat ay sapat din ito para masabing hindi naintindihan ng nagpakasal ang kanyang mga obligasyon at tungkulin sa kaniyang mister o misis.

Dapat din na matukoy ng mga eksperto ang ugat ng sakit at mapatunayan sa hukuman sa pamamagitan ng eksaminasyon at pagtatanong sa sinasabing asawa. Kung walang nangyaring eksaminasyon at interview ay puwedeng mawalang halaga ang nasabing pagsusuri ng doktor o psychiatrist pati ituring pa na “hearsay” o narinig lang sa iba. Ito ang isa sa mga isyung tinalakay sa kaso ni Robert.

Sina Robert at Tina ay mga estudyante sa isang Catholic university. Naging magsiyota sila at pagkatapos ng kolehiyo ay agad na nakapagtrabaho si Tina sa Treasurer’s Office ng unibersidad. Si Robert naman ay hindi nakatapos at nagtrabaho na lang sa printing press ng pamilya.

Noong magkarelasyon ang dalawa ay napapansin na ni Tina ang pagiging introbert ni Robert pati ang pagiging seloso nito. Sa pagmamasid niya ay walang ambisyon ang lalaki at naiinggit sa mga kapatid na nakatapos ng pag-aaral pati may kanya-kanyang karera sa buhay.

Gayunpaman ay pinakasalan ni Tina si Robert. Nagkaroon sila ng dalawang anak. Lumala ang ugali ng lalaki habang mag-asawa na sila. Lahat ng taong makipag-usap kay Tina ay pinagseselosan nito at madalas na lumiliban sa trabaho ang lalaki para lang bantayan siya. Isang beses ay tinutukan pa nito ng baril ang kinse anyos na pinsan na nakatira sa kanilang bahay dahil sa paghihinalang kalaguyo ni Tina ang binatilyo.

Ang masama pa ay inalila at ginawang parausang babae ni Robert si Tina. Sa isang araw ay apat hanggang limang beses silang nagtatalik. Minsan ay sinusundo pa ni Robert si Tina kapag lunch break para lang sa sex. Kapag sexual intercourse ay itinatali ni Robert si Tina at kung anu-ano ang isinusundot sa kaniya. Minsan naman ay minungkahi nito na tumawag sila ng ibang tao habang nagtatalik sila o kaya ay sa ibang lalaki makipagtalik si Tina habang pinapanood ni Robert. Pakiramdam ni Tina ay binaboy at minolestiya siya ng sariling asawa. Kapag naman tumatanggi si Tina ay nagagalit si Robert at pinagmumulan ito ng kanilang away.

Humingi ng payo si Tina mula sa isang doktor, isang pari, isang abogado at pati kahit sinong makapagbibigay sa kanila ng tulong.  Minungkahi din niya sa mister na sumailalim sila sa marriage counselling pero tumanggi ang lalaki at sinabing kalokohan lang iyon.

Dalawang taon pagkatapos nilang magpakasal ay nagkaroon ng matinding away ang dalawa. Tinutukan siya ni Robert ng baril sa sentido dahil sa paghihinalang may iba siyang lalaking kalaguyo. Bitbit ang dalawang anak nilang babae ay nilayasan ni Tina si Robert. Umalis sila sa sariling tahanan at mula noon ay hindi na nakita ulit ang lalaki. Mag-isa na niyang binuhay ang dalawang anak.

Bandang huli ay nagsampa ng petisyon si Tina sa RTC para mapawalang-bisa ang kasal nila ni Robert. Walang sagot o kahit anong papel na ipinasa sa korte ang lalaki. Hindi rin ito nagpapakita sa mga hearing kahit pa natanggap ang sulat ng RTC kahit pa sinabi ng piskalya na walang naging sabwatan sa dalawa.

(Itutuloy)

vuukle comment

MISTER

TOPAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with